Sachzna Laparan, dinepensahan ang sarili matapos punahin ang kanyang ‘see-through’ outfit
- Binanatan si Sachzna Laparan ng ilang netizens dahil sa kanyang suot sa kasal nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr
- Ayon kay Sachzna, hindi see-through ang kanyang outfit at epekto lang ito ng camera flash
- Nilinaw niya na hindi siya bahagi ng entourage kaya hindi siya nakasuot ng burgundy
- Suportado siya ni Zeinab mismo at sinabing wala siyang pakialam sa isyu ng suot ni Sachzna
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi pinalampas ni content creator at social media personality na si Sachzna Laparan ang mga pambabatikos na natanggap niya kaugnay ng kanyang outfit sa kasal nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

Source: Facebook
Sa halip na manahimik, buong tapang niyang ipinagtanggol ang sarili sa social media at sinagot ang mga netizens na pumuna sa kanyang kasuotan.
Viral sa social media ang ilang litrato mula sa wedding event kung saan mapapansing agaw-pansin ang suot ni Sachzna. May ilang nagsabing tila see-through ang kanyang outfit, na agad niyang kinlaro sa kanyang post. Ayon kay Sachzna, “PS: naging see-through sya dahil sa flash.” Nilinaw din niya na hindi naman talaga ganoon ang itsura nito sa personal.
Pahayag pa ni Sachzna, “Kami chill lang tapos kayo galit na galit sa suot ko? 😭 2 years na ko walang issue please lang lubayan nyo ko!” Dagdag pa niya, hindi naman siya bridesmaid o bahagi ng entourage kaya hindi siya obligadong magsuot ng kulay burgundy. “Sasabihin pa bakit ako di naka-burgundy 😭 di naman po ako bridesmaid or ninang/ninong. Lahat na lang baaaaa 😅” aniya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Upang patunayan na walang isyu sa pagitan nila ng bride, nagbahagi rin si Sachzna ng screenshot ng kanilang palitan ng mensahe. Sa convo, pinasalamatan siya ni Zeinab sa pagdalo at sa regalo, at sinabi rin ni Zeinab na walang pakialam ang mga tao sa suot niya. Ayon pa kay Zeinab, “Akala nila magagalit ako. hahahahaha! Di ko nga napansin.”
Dagdag pa ni Zeinab, “Oo naman jusko tinatag nga ako pake ba sila sa soot mo.” Dito pa lamang ay makikitang suportado siya ng bride at walang kahit anong tampo sa kanyang suot, kaya lalo lamang naging katawa-tawa ang isyu para sa kanila.
Si Zeinab Harake ay isang Filipino‑Lebanese na YouTuber, social media influencer, modelo, at aktres na ipinanganak noong Disyembre 11, 1998 sa Bacoor, Cavite, Pilipinas. Lumaki siya kasama ang kanyang mga kapatid na sina Tara (na pumanaw noong 2015), Wessam, at Rana (din ay isang YouTuber)
Si Sachzna Laparan ay isang kilalang online content creator, model, at influencer sa Pilipinas. Sumikat siya sa social media dahil sa kanyang mga relatable na vlogs, fashion sense, at beauty content. Matagal na rin siyang aktibo sa mundo ng digital entertainment at may milyon-milyong followers sa iba't ibang platforms.
Sa kasal nina Zeinab at Ray Parks, kinagiliwan ng netizens ang partisipasyon ng mga anak ni Zeinab na sina Bia at Lucas. Nagbigay sila ng heartfelt message para kay Ray na tila kinikilala na nilang ama. Pinuri ng mga netizens ang close bond ng buong pamilya.
Bukod sa wedding ceremony, pinuri rin ng netizens ang mga outfit nina Zeinab at Ray Parks sa kanilang wedding party. Makikita sa mga larawan ang kanilang fashionable looks at stylish ensembles. Muli na namang pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang pagiging fashion-forward couple.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh