Vice Ganda, nilinaw ang kanyang tweets matapos ma-bash ng fans ng ibang PBB duo
- Vice Ganda naglabas ng saloobin matapos ma-evict ang ShuKla duo nina Klarisse de Guzman at Shuvee Etrata sa PBB Celebrity Collab Edition
- Inulan ng maling interpretasyon ang mga tweets ng komedyante na pumuri lamang kay Klarisse
- Nilinaw ni Vice na wala siyang binanggit o sinabing masama laban sa ibang housemates
- Tinawag niyang “OA” ang ilang tagahanga na umano’y nagpapahiya sa kanilang mga iniidolo
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi napigilan ni Vice Ganda ang kanyang emosyon matapos ang eviction ng ShuKla tandem nina Klarisse de Guzman at Shuvee Etrata sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Source: Facebook
Matapos ang resulta ng botohan, maraming netizens ang nalungkot dahil paborito nila ang naturang duo. Isa na rito ang Unkabogable Star na agad nagpahayag ng suporta sa kanyang kaibigang si Klarisse.
Sa kanyang mga sunod-sunod na posts sa X (dating Twitter), nagpakita si Vice ng paghanga at pasasalamat sa pagkakaibigan at husay ni Klarisse sa loob ng Bahay ni Kuya.
Binati rin niya ito sa pagiging totoo at positibo habang nasa loob ng bahay. Ngunit sa halip na tumanggap ng purong suporta, may mga netizens na bumatikos at bumasa ng maling intensyon sa kanyang mga pahayag.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinagbintangan si Vice na diumano’y nagbabato ng patama sa ibang housemates, partikular sa AZVer duo nina AZ Martinez at River Joseph. Agad itong pinabulaanan ng komedyante at hinarap ang akusasyon sa pamamagitan ng pag-retweet sa isang post ng netizen na nag-akusa sa kanya.
Buo at diretsahan ang kanyang sagot: “San galing ang tweet mo? Sinong shinade ko? Sinong housemate ang pinaglalaban mong shinade ko? Alam mo ba ung share? Yung totoo? Naunawaan mo ba ang ung tweet? Mahina ang pagnintindi?”
Sa isa pang tweet, nilinaw ni Vice na wala siyang binanggit o sinabing masama laban sa AZVer at ibang natitirang pairs. Ayon sa kanya, ang tanging layunin niya ay ang ipahayag ang suporta para kay Klarisse na naging malapit sa kanya mula pa sa kanilang pagkikita sa Tawag ng Tanghalan.
Kasunod nito, naglabas pa si Vice ng matapang na pahayag laban sa ilang fans na sobra ang reaksyon sa social media. Aniya, “OA” na raw ang ilan at baka ikahiya pa ng kanilang mga iniidolo ang kanilang asal online.
Nag-retweet din siya ng isang opinyon mula sa netizen na nagsabing mas pinipili raw ng mga Pinoy PBB viewers ang mga kaibig-ibig at maganda ang mukha na housemates, bagay na nagbunsod ng mas malalim na diskusyon tungkol sa “loveteam culture” sa Pilipinas.
Si Vice Ganda ay isang kilalang komedyante, host, aktor, singer, at LGBTQ+ icon sa Pilipinas. Nakilala siya bilang host ng It's Showtime at naging bahagi ng iba't ibang blockbuster films. Maliban sa kanyang kakayahan sa pagpapatawa, kilala rin siya sa kanyang matapang na paninindigan at sa pagbibigay ng plataporma sa mga underrepresented voices sa lipunan.
Sa isang episode ng It's Showtime, ikinuwento ni Vice Ganda ang karanasan niya kasama ang magulang ng fiancé ni Ryan Bang sa Korea. Ikinatuwa niya ang mainit na pagtanggap at pagkakakilala sa kanya ng mga ito. Nagbigay rin siya ng positibong mensahe para sa relasyon ng kaibigan niyang si Ryan.
Sa isang hiwalay na artikulo ng KAMI.com.ph, binigyang-diin ni Vice Ganda ang kanyang pagmamalaki kay Klarisse matapos ang eviction nito mula sa PBB. Sinabi niyang nasiyahan siya na mas maraming tao ang nakilala at na-appreciate ang totoong ugali ng singer habang nasa loob ng bahay. Hindi rin naitago ni Vice ang kanyang emosyon sa social media nang mangyari ang eviction.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh