Kristine Hermosa, nag-sorry kay Oyo Boy Sotto ngayong Father's Day
- Muling pinahanga ni Kristine Hermosa ang marami sa kanyang online post
- Kamakailan lang ay nag-post kasi si Kristine ng madamdaming tribute
- Ito ay para kay Oyo Boy Sotto ngayong Father's Day celebration nitong June 15
- Bukod sa kanyang sweet na message ay nag-sorry pa nga si Kristine kay Oyo
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling pinahanga ni Kristine Hermosa ang marami sa kanyang pagiging mapagmahal na asawa matapos mag-alay ng isang taos-pusong mensahe para kay Oyo Boy Sotto ngayong Father's Day.
Sa kanyang official Instagram page ay nag-upload si Kristine ng sunod-sunod na larawan ng kanyang asawa na nagpapakita ng pagiging mapag-aruga at mapagmahal nitong ama at asawa.

Source: Instagram
"Sa dami ng pagsubok sa buhay natin, you never gave up being the best..." panimula ni Kristine sa kanyang madamdaming tribute para kay Oyo Boy na talaga namang nagpakilig sa kanilang fans.
Ayon sa sikat na aktres, bagama't hindi perpekto ang kanyang asawa, ginagawa nito ang lahat upang gawing 'close to perfect' ang kanilang buhay sa kabila ng mga pagsubok sa mundo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Hindi ka perfect, but it's how you make things close to perfect in this fallen world. Thank you for tightly holding onto the Lord so that you can give light and hope to all of us, your family," say niya.
Hindi rin nakalimutan ni Kristine na isama ang kanyang panalangin para kay Oyo Boy.
"I always pray that God will equip, guide, and strengthen you every step of the way. May he comfort you in every season and make you always feel loved and special, because you truly are. Continue pleasing God in everything that you do, alam ko proud Siya sayo," ani ng aktres.
Sa huling bahagi ng kanyang post, ikinatuwa naman ng mga netizen ang biglaang paghingi ng paumanhin ni Kristine kay Oyo dahil muntik na niyang makalimutan ang espesyal na araw.
"Salamat, dahil iba ka. We love you, Hun... Sorry dahil muntik ko na naman makalimutan na Father's Day today (please help me remember, Lord). I LOVE YOU! And will always be here cheering and backing you up... HAPPY FATHER’S DAY!" dagdag pa ni Kristine sa kanyang post.
Umani naman ng papuri mula sa netizens ang naturang post, hindi lamang para sa pagiging mabuting ama ni Oyo, kundi pati na rin sa katapatan at lambing ng pagsasama nila ni Kristine.
Narito ang kanilang photos sa baba:
Si Kristine Hermosa ay isang Filipina actress na kilala sa kanyang mga papel sa mga tanyag na teleserye gaya ng Pangako Sa 'Yo at Dahil May Isang Ikaw. Sinimulan niya ang kanyang karera noong mid-1990s at agad siyang sumikat dahil sa kanyang husay sa pag-arte at chemistry sa mga leading man niya tulad na lamang ni Jericho Rosales. Gumanap din siya sa kilalang pelikula na bahagi ng Enteng Kabisote film series. Samantalang, sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Oyo Boy Sotto, na anak ni Vic Sotto, noong 2011 sa Batangas. Sila ay may anim na anak.
Sa nakaraang report ng KAMI ay muling pinasaya ni Kristine Hermosa ang kanyang mga tagahanga. Noong Monday, May 12, sa isang post sa Instagram, ay ibinahagi ni Kristine ang photo ng kanyang anak na si Vittorio. Sa larawan, makikitang nasa loob ng banyo ito, nakatayo at nakatingin sa kanyang ina. Ngunit ang hindi inakala ng mga netizen ay ang nakakatawang kuwento sa likod ng viral na picture.
Samantalang, noong 2024 naman ay nag-post si Kristine Hermosa ng isang viral na larawan sa social media. Noong Thursday, June 13, nag-upload si Kristine ng litrato ng kanyang asawang si Oyo Boy Sotto habang ito ay nagluluto. Sa naturang larawan, makikita si Oyo na naghahanda ng agahan para sa kanilang mga anak. Ngunit ang tunay na nagpakilig sa mga netizen ay ang caption ni Kristine tungkol kay Oyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh