Mga anak ni Zeinab Harake, may nakakaantig na mensahe para kay Bobby Ray Parks

Mga anak ni Zeinab Harake, may nakakaantig na mensahe para kay Bobby Ray Parks

  • Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mensahe ng kanyang mga anak na sina Bia at Lucas para sa kanyang kasal kay Bobby Ray Parks Jr
  • Ipinahayag ni Lucas ang kanyang pasasalamat kay Parks sa pagbibigay ng pagmamahal at pagpapasaya sa kanilang pamilya
  • Inilarawan naman ni Bia ang kasiyahan at seguridad na kanyang nararamdaman mula sa pagkakaroon ng isang ama tulad ni Parks
  • Napansin ng mga netizens na ginamit na rin nina Lucas at Bia ang apelyidong "Parks" sa wedding credits, na posibleng senyales ng legal adoption

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tunay na naging emosyonal ang pag-iisang dibdib nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. matapos ibahagi ng aktres-vlogger ang nakaaantig na wedding video na may espesyal na mensahe mula sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Mga anak ni Zeinab Harake, may nakakaantig na mensahe para kay Bobby Ray Parks
Mga anak ni Zeinab Harake, may nakakaantig na mensahe para kay Bobby Ray Parks (đź“·Zeinab Harake/Facebook)
Source: Instagram

Sa nasabing video na regalo ng kanilang mga teacher, buong pusong nagpaabot ng kanilang pagmamahal ang mga bata para kay “Daddy Ray” na ngayon ay opisyal nang bahagi ng kanilang buhay bilang ama.

Ipinahayag ni Lucas ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Parks para sa pagmamahal at pagkalinga nito sa kanila. Ayon sa batang lalaki, “Daddy Ray, thank you for loving Mommy the way she deserves and thank you for loving us too, fully and kindly, and with your whole heart. You make our family feel even stronger, even happier, even more full of love.”

Si Bia naman, anak ni Zeinab sa rapper na si Skusta Clee, ay nagsabing, “I love you Daddy Ray. You make me smile so big and feel so safe. I’m so happy you’re here. We’re always cheering for you just like you cheer for us.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa mensahe para kay Parks, ipinarating din ng dalawang bata ang kanilang pagmamahal kay Zeinab, na itinuturing nilang sandigan at tahanan. Ani Lucas, si Zeinab ang kanyang “safe place” at “hero,” habang tinawag naman ni Bia ang kanyang ina bilang “best friend” na laging naroroon sa bawat emosyonal na sandali ng kanyang kabataan.

Sa kasal na ginanap noong June 1 sa Tagaytay City, kasama sa mga dumalo ang malalapit na kaibigan at celebrities gaya nina Andrea Brillantes, Yassi Pressman, Toni at Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Viy Cortez. Sa isinagawang wedding video, kapansin-pansin ang pagbanggit sa apelyidong “Parks” nina Lucas at Bia, na tila indikasyon na sila ay opisyal nang parte ng pamilya ni Bobby Ray, at posibleng naiproseso na rin ang legal adoption.

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang vlogger at content creator sa Pilipinas, na nakilala rin sa kanyang pagiging hands-on na ina kay Bia at sa pagtanggap kay Lucas bilang sariling anak. Bukod sa kanyang online fame, kilala rin si Zeinab sa kanyang pagiging bukas sa personal na buhay, lalo na sa mga pagsubok at tagumpay bilang solo parent noon.

Si Bobby Ray Parks Jr. naman ay isang professional basketball player na kasalukuyang naglalaro sa Japan B.League. Siya ay anak ng yumaong PBA legend na si Bobby Parks Sr., at kilala rin sa kanyang pagiging family-oriented na personalidad.

Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming celebrity guests, pinili nina Zeinab at Bobby Ray na panatilihing simple at tahimik ang kanilang kasal. Ipinakita sa mga larawan at videos ang atmosphere ng seremonya, na mas pinili nilang ituon sa kanilang pagmamahalan kaysa sa engrandeng selebrasyon.

Isang sweet moment mula sa kasal nina Zeinab at Bobby Ray ang ibinahagi ni Donnalyn sa social media na agad nag-viral. Sa larawang ito, makikita ang genuine happiness ng bagong kasal na siyang tumimo sa puso ng mga netizens at umani ng higit isang milyong reactions.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate