Photo na pinost ni Donnalyn Bartolome mula sa kasal ni Zeinab Harake, pumalo ng 1M reacts

Photo na pinost ni Donnalyn Bartolome mula sa kasal ni Zeinab Harake, pumalo ng 1M reacts

- Talagang nag-trending si Donnalyn Bartolome dahil sa post nito sa Facebook kamakailan lang

- Noong June 10 ay nag-post ang vlogger ng candid photo niya mula sa kasal ni Zeinab Harake

- Sa nasabing photo ay makikitang naglalakad sa aisle si Donnalyn bilang bridesmaid ni Zeinab

- Pero, nag-viral ng bongga ang photo dahil sa nakakaaliw na disclaimer ni Donnalyn dito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Donnalyn Bartolome, isang kilalang social media star, ay nagdulot ng ingay online matapos mag-post ng isang candid na litrato niya na kuha sa kasal nina Zeinab Harake at Ray Parks Jr.

Matatandaan ng marami na ang sikat na vlogger ay bahagi at parte ng entourage ni Zeinab sa kanyang espesyal na araw, kasama ang iba pa nitong kaibigan sa local vlogging scene sa Pinas.

Photo na pinost ni Donnalyn Bartolome mula sa kasal ni Zeinab Harake, pumalo ng 1M reacts
Photos: @donna on Instagram | Donnalyn on Facebook
Source: Instagram

Sa Facebook, sumulat si Donnalyn ng isang nakakatawang disclaimer tungkol sa larawan dahil sa napakalaking height gap sa lalaking katabi niya nang sila ay maglakad sa aisle para sa kasal.

"Alam ko na agad na magiging meme 'to, promise di ako ganyan kaliit, 7 footer siya," imporma ng social media star sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa kilalang social media website.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mula nang mai-post ito noong June 10, ang larawan ay umabot na sa mahigit 1.1m likes, 19k shares, at 17.6k comments mula sa mga netizens at kanyang followers sa social media site.

Sa mga comment section, hindi napigilan ng mga netizen ang magbiro tungkol sa height gap.

"LT talaga nito si Donna kahit kailan."
"At least cute sized po kayo, Ate Donna."
"What matters is soafer ganda niyo diyan!"
"Tawang tawa ako dito kanina kasi liit yarn?"
"Sabi na eh, popost din 'to ni Ate Donna haha."

Matatandaan na noong June 1 ay kinasal na ang vlogger na si Zeinab kay Ray, isang basketbolista, sa isang napakabonggang event na ginawa sa Crystal Palace of Aquila in the Sky sa Tagaytay.

Isa si Donnalyn, at pati na rin ang kanilang kaibigan na si Jelai Andres, na dumalo sa kasal.

Si Donnalyn Bartolome ay isang kilalang personalidad sa internet mula sa Pilipinas. Siya ay isang vlogger, singer, rapper, at aktres. Kilala siya bilang 'Social Media Sweetheart' dahil sa kanyang malaking following sa iba't ibang platform tulad ng YouTube at Instagram. Nagsimula siyang makilala sa kanyang mga cover songs noon at pati na rin mga vlogs tungkol sa kanyang buhay.

Noong, September 2024 ay binati ni Donnalyn Bartolome sa isang online post si JM De Guzman. Sa Instagram, nag-upload si Donnalyn ng sweet at cozy photos nila ng aktor. Sa mga litrato, kitang-kita ang kanilang pagmamahalan at kaligayahan sa isa't isa. Gayunpaman, mas naramdaman ng mga netizen ang kilig dahil sa naging pagbati ni Donnalyn kay JM online.

Samantalang, noong May 2023 naman ay nag-post si Donnalyn Bartolome ng isang open message sa social media, na naglalaman ng taos-puso at emosyonal na pagpupugay sa kanyang ina. Sa kanyang post ay sinabi ni Donnalyn na gagawin niya ang lahat upang ipagmalaki siya ng kanyang ina at na magpapasalamat siya magpakailanman sa pagmamahal ng kanyang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco