Marvin Agustin, proud na binalikan ang panahong naging waiter, janitor at cashier siya
-Ibinahagi ni Marvin Agustin sa Instagram ang kanyang karanasan noong 1995 bilang isang all-around staff sa Tia Maria’s Mexican Restaurant
-Ayon sa aktor, dahil sa mahina ang kita ng restaurant noon, kinakailangan nilang gampanan ang lahat ng tungkulin kabilang ang pagiging waiter, cashier, bartender, kitchen help, janitor, at minsan ay sekyu pa
-Ani Marvin, sa panahong iyon niya natutunan ang tunay na halaga ng trabaho at respeto sa kahit anong hanapbuhay
-Ibinahagi rin niya ang mensahe ng patuloy na pagsusumikap at determinasyong harapin ang mga hamon sa buhay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang Instagram post nitong Lunes, muling pinahanga ni Marvin Agustin ang netizens matapos niyang ibahagi ang isa sa mga pinaka-importanteng bahagi ng kanyang personal na kwento—ang kanyang humble beginnings bilang all-around crew sa isang restaurant noong 1995.

Source: Instagram
Dito ako natuto respetuhin at mahalin ang kahit na anong klaseng trabaho. Dito all around kami kasi mahina ang benta namin nun.
Ayon sa aktor, noon ay nagtatrabaho siya sa Tia Maria’s Mexican Restaurant kung saan literal na “lahat” ng posibleng trabaho ay kanyang ginampanan.
"WAITER, Bar Tender, Kitchen Help, Cashier, minsan Sekyu or Janitor, Local Store Marketing. LAHAT!" pagbabahagi ni Marvin. Dahil daw sa mahina ang kita ng restaurant noon, napilitan silang mag-ikot sa iba’t ibang tungkulin sa loob ng isang araw. Dagdag pa niya, dito siya unang natutong respetuhin at mahalin ang kahit na anong klaseng trabaho.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
I remember in a day ikot ang mga responsibilidad namin, WAITER, Bar Tender, Kitchen Help, Cashier, minsan Sekyu or Janitor, Local Store Marketing. LAHAT! Hahaha
Para kay Marvin, ang mga ganitong karanasan ang nagsisilbing pundasyon ng kanyang pananaw sa buhay ngayon. “Ang sarap pagdaanan at kuhanan ng leksyon ang mga panahon na susubukin ka ng buhay,” ani niya. Tinapos niya ang post sa isang mensaheng puno ng inspirasyon para sa mga taong nangangarap: “Kaya LABAN LANG NG LABAN. Walang makakatalo sa taong ayaw magpatalo!”
Si Marvin Agustin ay isa sa mga kilalang aktor at heartthrob noong late 90s at early 2000s. Una siyang nakilala sa mga youth-oriented shows tulad ng Gimik at Flames, at tumatak din sa mga manonood sa kanyang mga tambalan tulad ng kay Jolina Magdangal. Maliban sa showbiz, pinasok din niya ang mundo ng negosyo bilang chef at restaurateur. Kilala siya ngayon hindi lang sa kanyang talento, kundi pati na rin sa sipag, disiplina, at pagiging totoo sa kanyang pinanggalingan.
Nilinaw ni Marvin Agustin ang dahilan kung bakit siya hindi nakadalo sa kasal ng kanyang dating ka-love team at kaibigan na si Jolina Magdangal. Ayon sa kanya, may mga mahahalagang commitment siya sa trabaho noong panahong iyon. Sa kabila nito, iginiit niyang wala silang samaan ng loob ni Jolina at nananatili silang magkaibigan.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Jolina Magdangal na kahit hindi sila madalas magkita ni Marvin Agustin, nananatiling matibay ang koneksyon at pagkakaibigan nila. Tinawag niya itong isang “unbreakable connection” na hindi kayang sirain ng distansya o panahon. Patunay ito na totoo at matibay ang samahan nilang nagsimula pa noong kanilang Gimik days.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh