Katrina Velarde, prangkang inamin ang pagpa-remove ng nose implant: “Nagka-complication"

Katrina Velarde, prangkang inamin ang pagpa-remove ng nose implant: “Nagka-complication"

- Muling sumailalim sa operasyon si Katrina Velarde matapos magka-komplikasyon ang kanyang nose implant

- Kinailangan niyang ipatanggal ang silicone implant na inilagay apat na taon na ang nakakaraan

- Inamin ni Katrina na hindi ito ang unang beses na nagpatanggal siya ng nose implant

- Dahil sa kanyang kondisyon, nakansela ang ilang commitments kabilang na ang concert appearance kasama ang 98 Degrees

Naglabas ng personal na update si Katrina Velarde kamakailan kung saan isiniwalat niyang muli siyang sumailalim sa surgery matapos magkaroon ng komplikasyon ang kanyang nose implant.

Katrina Velarde, prangkang inamin ang pagpa-remove ng nose implant: “Nagka-complication"
Katrina Velarde, prangkang inamin ang pagpa-remove ng nose implant: “Nagka-complication" (📷Katrina Velarde/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa singer, kailangang alisin agad ang silicone implant na inilagay sa kanyang ilong apat na taon na ang nakararaan.

Sa kanyang Facebook video update, inamin ng biriterang singer na kaya siya hindi nakadalo sa ilang commitments, kabilang na ang supposed guest performance niya sa concert ng 90s group na 98 Degrees.

"After kong mag-post about sa hindi ako makaka-attend sa 98 Degrees (concert)... I needed to have my nose implant removed as soon as possible, and it takes a while para mag-recover," pahayag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin itinago ni Kat na ito na ang ikalawang pagkakataon na sumailalim siya sa procedure para ipatanggal ang implant.

"At first, I had Gore-Tex (implant). Ni-reject din siya ng katawan ko right ahead... Tapos itong pangalawa, ito na ‘yung ngayon, at nagkaroon na naman ako ng complication," aniya.

Tinawag pa nga ni Katrina ang sarili na isang “android” o robot bilang pag-amin na bukas siya sa mga enhancement procedures.

"Alam niyo naman din na very open ako sa mga ginagawa ko, sa pagiging robot ko or pagiging android ko," sabi niya.

Nagpasalamat din si Kat sa kanyang mga tagasuporta na nagpaabot ng kanilang pag-aalala sa kanyang kalagayan.

"Thank you sa mga nag-reach out sa akin. Sa mga nag-worry, okay lang ako, mga bes," dagdag niya.

Kuwento pa ni Kat, kahit hindi siya nakapag-perform sa 98 Degrees concert ay nakapunta pa rin siya sa ikalawang gabi nito at personal na nakausap ang members ng banda.

"They were very nice and then we talked about the collab that we did for ‘I Do Cherish You’,” sabi niya.

Taong 2023 nang makapanayam siya ni Boy Abunda at inamin din niya ang ilan sa mga enhancements na ginawa niya noon gaya ng chin at lip fillers, non-surgical eyelid enhancement, at rhinoplasty.

"Actually, parang important din po kasi nowadays ‘yung physical appearance and I think I’m more confident po na nagpagawa ako," ani Katrina noon.

Si Katrina Velarde ay kilalang Filipino singer na unang nakilala bilang bahagi ng grupong A.K.A. Jam sa The X Factor Philippines. Mas nakilala pa siya online bilang “Suklay Diva” dahil sa viral video kung saan ginamit niya ang suklay bilang mikropono. Dahil sa kanyang matinding birit at vocal range, kinikilala siya bilang isa sa mga pambato ng OPM sa international collaborations, kabilang na ang kanyang viral collab sa 98 Degrees.

Bukod sa kanyang talento, bukas rin si Katrina sa mga beauty enhancement procedures, dahilan kung bakit siya tinuturing na isa sa mga outspoken personalities sa entertainment industry pagdating sa cosmetic transparency.

Noong 2022, isang mabigat na yugto ng buhay ang pinagdaanan ni Katrina matapos niyang kumpirmahin ang pagpanaw ng kanyang asawang si Mike Shapiro. Sa isang emosyonal na post, ibinahagi niya ang kanilang pagmamahalan at pasasalamat sa suporta ng mga kaibigan at fans. Nagpakatatag si Katrina sa kabila ng kanyang pagdadalamhati bilang asawa at ina.

Pagkatapos ng matinding pagsubok sa personal na buhay, nagpasya si Katrina na muling buksan ang kanyang puso. Sa isang sweet social media post, ipinakilala niya sa publiko ang kanyang bagong karelasyon. Marami ang natuwa sa singer at nagsabing deserve niya ang bagong kasiyahan sa kanyang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate