Melai Francisco, ibinahagi ang makulit na nagawa ng kanyang mga magulang
- Ibinahagi ni Melai Cantiveros- Francisco ang nakatutuwang ganap sa kanyang pamilya
- Partikular na umano sa ginawa ng kanyang mga magulang
- Dahil dito, makulit na nabanggit ni Melai ang mga katagang "Can I quit this family of mine?"
- Bukod sa Pinoy Big Brother, isa sa pinagkakaabalahan ni Melai ay ang sarili niyang show na 'Kuan on One'
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Masayang ibinahagi ni Melai Cantiveros- Francisco ang makulit na nagawa ng kanyang mga magulang.

Source: Instagram
Aniya, nagtawagan daw ang mga ito para lang alamin kung paano mag-off ng call ng isa't isa.
"Shout Out sa Parents ko from Mother Side and Father Side na nagtawagan lang para mag-usap kung paanu i- off ang call nila sa isat isa... paanu daw?," ani Melai
Dahil dito, nasabi niya ang mga katagang "can I quit this family of mine?" na siya marahil ang dahilan bakit karamihan ng komento ng netizens ay puro laughing emoji.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod dito, nagpahayag din ng kasiyahan ang mga netizens at sinabing swerte umano si Melai sa kanyang mga magulang.
"I love you Melai. Pati family mo, ang kulit!"
"So pano nga Melai? Naturo mo na ba sa kanila"
"'Yung nakikipagsabayan din ng kulit ang parents mo."
"Nakakatuwa po talaga ang familyo niyo!"
"'Wag po mag-quit. Ang cute po ng family mo"
Narito ang kabuuan ng post:
Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.
Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong mag-viral at mag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.
Kabilang pa rin si Melai sa mga hosts ng Pinoy Big brother Gen 11 kasama sina Robi Domingo, Enchong Dee, Bianca Gonzales at ang bagong karagdagan sa kanila na si Alexa Ilacad. Mapapansing lahat ng mga hosts na ito ay naging housemates din ni Kuya. Bukod dito, may sarili na ring Bisaya Talk Show si Melai ang 'Kuan on One.'
Matatandaang noong nakaraang taon, emosyonal na pagbabalik-tanaw ang naranasan ni Melai Francisco habang inaalala ang kanyang "emo days" sa meet and greet ng bandang 'Seconhand Serenade.' Ani Melai, nanumbalik ang masasayang memories niya noon sa paaralan kung saan mga kanta ng nasabing artist ang kanyang pinakikinggan.
"Grabe, nanumbalik ang memories nung nag-Emo Emo kami sa school dati, kahit kutsilyo na ang pantasa sa eyeliner namin maka-Emo lang sa intrams," ang bahagi ng kanyang Instagram post. Pinasalamatan din ni Melai ang Secondhand Serenade, lalo na ang vocalist nitong si @secondhandjohn, sa kamangha-manghang konsiyerto. Ayon sa kanya, ang karanasan sa concert ay tila nagdala sa kanya sa ibang mundo at pansamantalang nalimutan niya ang kanyang kasalukuyang estado bilang may asawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh