Michelle Dee, itinangging naging agresibo ang aso sa naganap na insidente

Michelle Dee, itinangging naging agresibo ang aso sa naganap na insidente

- Ikinuwento ni Michelle Dee na ang sugat sa kanyang pisngi at baba ay dulot ng aksidente habang nakikipaglaro sa alagang aso

- Nilinaw niya na hindi naging agresibo ang kanyang pet at walang intensyon ang pangyayari, kundi isang “wrong place, wrong time” na insidente

- Nagpasalamat siya kina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa mabilis na pagtugon at paggamot sa kanyang mga sugat

- Siniguro ni Michelle na mabilis ang kanyang paggaling at itinuring pa ring "babygirl" ang kanyang aso sa kabila ng insidente

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng pangamba ng mga tagahanga, nilinaw ni Michelle Dee na hindi agresibo ang kanyang alagang aso sa nangyaring aksidente na nagresulta sa mga sugat sa kanyang mukha. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong Miyerkules, Hunyo 4, ikinuwento ni Michelle ang mga detalye ng insidente at tiniyak na maayos ang kanyang kalagayan.

Michelle Dee, itinangging naging agresibo ang aso sa naganap na insidente
Michelle Dee, itinangging naging agresibo ang aso sa naganap na insidente (📷@michelledee/Instagram)
Source: Instagram

“A morning full of supposed routine cuddles turned into a ‘just my luck’ moment,” saad ni Michelle. “To be fair, my fur baby’s tooth just happened to graze my face at the wrong place, wrong time. No aggression — just an honest accident.”

Bagama’t nasugatan ang kanyang pisngi at baba, ipinahayag ni Michelle ang kanyang pagmamahal sa kanyang alagang aso at tinawag pa rin itong “still my babygirl.” Aniya, hindi siya nagtanim ng sama ng loob at nauunawaan niyang isa lamang itong aksidente.

Agarang dumulog si Michelle sa Belo Medical Group kung saan tinulungan siya nina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Nagpasalamat siya sa mabilis nilang aksyon na nakatulong upang maagapan ang sugat at maiwasan ang posibleng komplikasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“When it comes to things like this, acting fast truly makes all the difference!” dagdag pa niya.

Sa kanyang post, sinabi rin ni Michelle na siya ay inaasahang mabilis na gagaling. Patuloy din umano ang kanyang treatments sa clinic para masigurong walang pangmatagalang epekto ang sugat sa kanyang mukha.

“Ya gurl should be in tip-top shape sooner than you think. Thank you to everyone who’s been sending love.”

Samantala, pinaalalahanan ni Dr. Vicki Belo ang publiko na sa ganitong mga insidente ng animal bite o scratch, mahalaga ang agarang pagtanggap ng anti-rabies at anti-tetanus vaccines.

Si Michelle Dee ay isang kilalang aktres, beauty queen, at Miss Universe Philippines 2023 titleholder. Anak siya ng dating beauty queen at aktres na si Melanie Marquez. Bukod sa kanyang karera sa pageantry, lumalabas din siya sa mga teleserye at aktibo sa advocacy work ukol sa autism awareness at mental health.

Sa isang panayam, inamin ni Michelle Dee na wala siyang alam sa isyu ng umano’y pag-unfollow sa kanya ni Chelsea Manalo sa social media. Natuwa siya na naliwanagan ang publiko at nilinaw na walang tensyon sa pagitan nila. Ayon kay Michelle, mas mahalagang bigyang pansin ang pag-representa ng bansa sa global stage kaysa mga espekulasyon online.

Agad na nagtungo si Michelle sa Belo clinic matapos ang insidente ng pagkasugat sa mukha. Isinalarawan niyang hindi biro ang nangyari ngunit nagpapasalamat siya sa mabilis na tugon ng kanyang mga doktor. Malaking bagay aniya ang mabilis na pag-aksyon lalo na’t mukha ang tinamaan, na itinuturing niyang puhunan bilang beauty queen at aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: