Michelle Dee, clueless sa isyu ng pag-unfollow ni Chelsea Manalo
-Nagsalita si Michelle Dee tungkol sa isyu ng pag-unfollow umano sa kanya ni Chelsea Manalo
-Inamin ng beauty queen na nagulat siya sa pagkakasama niya sa headlines
-Nilinaw niyang wala siyang kinalaman sa anumang cryptic post laban kay Chelsea
-Patuloy pa rin ang suporta at respeto niya bilang kapwa Miss Universe Philippines titleholder
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Naglabas ng saloobin si Michelle Dee sa isyu ng pag-unfollow umano sa kanya ni reigning Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo. Sa isang panayam sa entertainment press matapos ang Angels Walk 2025 press conference, deretsahang inamin ng Miss Universe Philippines 2023 na nagulat siya nang bigla siyang mapunta sa headline dahil sa isyung hindi niya naman alam o pinangunahan. “I was honestly so surprised. I opened social media that day. I saw it in the headlines. I was completely clueless of what was happening,” sabi niya sa media.

Source: Instagram
Ayon pa kay Michelle, nalaman lang niya ang tungkol sa isyu nang may mag-message sa kanya na mutual friend nila ni Ahtisa Manalo. “May common friend kami ni Ahtisa na nag-message sa’kin kaya na-flag sa akin ‘yung headline. Clueless po talaga ako,” dagdag pa niya. Kasabay nito, nilinaw din ng beauty queen na wala siyang sama ng loob kay Chelsea at iginiit na baka aksidente lang ang nangyaring pag-unfollow o may personal itong dahilan.
Maging ang cryptic tweet niyang “Practice what you preach” na ikinonekta ng ilang netizens kay Chelsea ay pinasinungalingan niyang may kinalaman sa isyu. “I know that a tweet of mine was highlighted that had nothing to do with Chelsea or pageantry or showbiz in general. Kaya I don’t know,” paliwanag ni Michelle. Sa kabila ng gusot, pinanatili ni Michelle ang pagiging graceful at mapagpakumbaba, isang ugali na kinagigiliwan sa kanya ng kanyang fans.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pahayag pa niya, matagal na silang nagkaroon ng interaksyon ni Chelsea, bago pa man at pagkatapos ng Miss Universe coronation night. “We were able to interact naman between Miss Universe, the coronation night and after, kaya nagulat rin po talaga ako,” kuwento niya. Dagdag pa niya, mula nang manalo si Chelsea ay bukas siya sa pagbibigay ng gabay bilang isang nakatatandang reyna. “Since she won, I’ve been extending my help, my advice…I welcome her with open arms, of course…Wala namang bad blood,” sabi pa ng aktres at beauty queen.
Si Michelle Dee ay isang aktres, modelo, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe Philippines 2023. Siya rin ang anak ni Melanie Marquez, na isa ring dating Miss International. Bukod sa kanyang pageant journey, kilala rin siya sa adbokasiyang tumutok sa mental health at autism awareness. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa internasyonal na entablado nang katawanin ang Pilipinas sa Miss Universe 2023 sa El Salvador, kung saan pinuri ang kanyang intelligence, elegance, at strong advocacy presence.
Hindi nagdalawang-isip si Michelle Dee na ipakita ang suporta sa kanyang pinsang si Winwyn Marquez na sumali sa Miss Universe Philippines 2024. Sa isang Instagram story, ipinost niya ang larawan ni Winwyn sa evening gown at nilagyan ng caption na, “So proud of you, you slayed Ate Winwyn!” Tinawag ito ng fans na isang classy move mula kay Michelle na ipinakita ang pagmamahalan sa pamilya sa gitna ng parehong industriyang ginagalawan nila.
Naging emosyonal si Michelle Dee nang ikuwento ang kanyang paglabas mula sa bahay ni Kuya. Nilinaw niya sa publiko na hindi siya kusang umalis at hindi rin siya tinanggal, kundi pinili lang niyang huwag nang bumalik dahil sa mga personal na dahilan at commitments. Sinabi rin niyang mahirap ang naging desisyon ngunit pinaninindigan niya ito nang may dignidad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh