Sugar Mercado, naging inspirasyon sa mga ina matapos tanghaling Mrs Universe PH 2025

Sugar Mercado, naging inspirasyon sa mga ina matapos tanghaling Mrs Universe PH 2025

- Si Sugar Mercado ang napiling representative ng Pilipinas para sa Mrs Universe 2025 na gaganapin ngayong Oktubre

- Sa kanyang Instagram at Facebook post, tila hindi makapaniwala si Sugar na posible palang maging beauty queen kahit isa na siyang ina

- Inalay ni Sugar ang tagumpay sa kanyang mga anak, pamilya, at mga taong naniwala at hindi naniwala sa kanyang kakayahan

- Buong puso rin ang pasasalamat niya sa kanyang mga kaibigan, lalo na kina Herlene Hipon, Madam Enutz, at Wilbert Tolentino

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang bagong yugto ng tagumpay ang binuksan para kay Sugar Mercado, dating miyembro ng SexBomb dancers, matapos siyang hiranging official representative ng Pilipinas sa Mrs Universe 2025.

Sugar Mercado, naging inspirasyon sa mga ina matapos tanghaling Mrs Universe PH 2025
Sugar Mercado, naging inspirasyon sa mga ina matapos tanghaling Mrs Universe PH 2025 (đź“·Sugar Mercado/Facebook)
Source: Facebook

Ang prestihiyosong international pageant ay gaganapin ngayong Oktubre, at sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sugar ang labis na tuwa at emosyon sa pagkilalang natanggap.

“Maraming salamat po sa pagkakataon tiwala na kaya ko palang maging Queen kahit isa na 'kong Ina,” ani Sugar, sabay bigay ng pasasalamat kay Wilbert Tolentino, ang kilalang talent manager at pageant mentor. “Boss Mima sir Wilbert Tolentino @sirwil75 love you boss God bless pag palain ka po ng Diyos,” dagdag pa niya.

Hindi rin nakalimutan ni Sugar na ialay ang kanyang pagkapanalo sa kanyang mga pinakamamahal na mga anak. Aniya, “Sa mga anak ko para sa inyo lahat 'to.” Sa kabuuan ng kanyang post, dama ang pasasalamat ng beauty queen sa mga taong sumuporta at patuloy na naniniwala sa kanya. “Sa Pamilya ko, kaibigan, freshness, at sa mga taong naniniwala sakin at hindi naniniwala na kaya ko, kasama kayo lahat sa korona ko lahat ng yan naging Lakas ko para matupad ang pangarap ko.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinangalanan din niya ang ilang malalapit na kaibigan na tumulong sa kanya sa journey na ito. “Sa kapatid ko Herline Hipon, te madam Enutz. Mrs Philippines International Glamorous Mary Letim thank you ma,” ayon kay Sugar. Sa dulo ng kanyang post, inalay niya ang lahat sa Diyos. “Lahat ng ito pinararangalan ko panginoon Diyos Jesus sa kanya lahat ng papuri,” pahayag ng bagong beauty queen.

Si Sugar Mercado ay unang nakilala bilang isa sa mga pinakasikat na miyembro ng all-female dance group na SexBomb Girls noong 2000s. Bukod sa kanyang dancing career, nakilala rin siya sa hosting at pagiging aktres sa ilang TV shows. Matapos ang ilang taon sa showbiz, naging mas aktibo siya sa mga talk shows at online content. Ngayon, panibagong kabanata ang kanyang tinatahak bilang beauty queen at ina na inspirasyon sa marami.

Ibinahagi ni Sugar Mercado ang kanyang heartfelt birthday greeting para kay Charlene Gonzalez sa Instagram. Ipinahayag niya ang kanyang paghanga at respeto sa dating beauty queen, na tinawag niyang “walang kapintasan.” Ayon kay Sugar, si Charlene ay isa sa mga ina at kababaihan na talagang nagbibigay inspirasyon sa kanya.

Sa isang matapang na pahayag, inamin ni Sugar na pitong taon umano silang naging magkasintahan ni Willie Revillame. Ito ay matagal nang usap-usapan sa showbiz ngunit ngayon lamang kinumpirma ng dating SexBomb dancer. Aniya, marami silang pinagdaanan, ngunit nanatiling maayos ang kanilang relasyon kahit hindi sila nagkatuluyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate