Charo Santos, na-prank nina Dingdong Dantes at Ogie Diaz sa isang vlog guesting
- Sa isang guesting sa YouTube channel ni Ogie Diaz, naisipang pagkaisahan nina Dingdong Dantes at ng vlogger-talent manager ang seasoned actress na si Charo Santos sa isang prank na umabot ng halos walong minuto bago ibinunyag
- Habang nasa kalagitnaan ng interview, halatang si Charo lamang ang binibigyang pansin ni Ogie, habang si Dingdong ay tila isinasantabi, dahilan upang magpakita ito ng kunwaring pagkainis na nagdagdag tensyon sa atmosphere
- Habang tuloy pa rin ang focus ni Ogie kay Charo, dumating sa punto na umalis si Dingdong sa set, sabay sabing “Kuha lang ako ng tubig” at sinabing i-text na lang daw ang mga tanong, dahilan upang maramdaman ni Charo ang awkwardness at discomfort sa eksena
- Matapos ang ilang minuto, ibinunyag na prank lamang ang lahat at tila hindi agad nakareact si Charo, ngunit kalaunan ay umamin siya na medyo naiinis at talagang nailagay siya sa isang alanganing sitwasyon dahil tila totoo ang tensyon na naganap sa harap niya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagkaroon ng kakaibang twist ang guesting nina Charo Santos at Dingdong Dantes sa vlog ni Ogie Diaz matapos maisakatuparan ang isang matagumpay na prank. Sa loob ng unang walong minuto ng vlog, kitang-kita ang atensyon ni Ogie na nakatuon lamang kay Charo, na ikinatuwa naman ng aktres sa simula ngunit kalaunan ay nauwi sa tensyon nang tila hindi na pinapansin si Dingdong.

Source: Youtube
Tinanong pa nga ng Kapuso Primetime King si Ogie, “Sa akin, wala ka bang itatanong sa akin?” Ngunit tila deadma pa rin si Ogie at sinabi lamang, “Sandali lang muna.” Doon na nagsimulang magpakita ng pagkayamot si Dingdong. Tumayo pa ito at sinabing, “Sige, usap muna kayo. Kuha lang ako ng tubig… Baka siguro i-text mo na lang sa akin yung mga tanong mo.”
Napa-awkward si Charo sa eksenang iyon at halatang naguluhan sa nangyayari. Pagbalik ni Dingdong, seryoso na ang mukha nito at tila mainit ang ulo. Ani Ogie, “Mainit yata ang ulo ni Dingdong. Sorry.” Hanggang sa dumating ang biglang twist—ibinunyag ni Ogie na isa pala itong prank. Tila hindi agad nakareact si Charo at nasambit lamang ang, “Huh?”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matapos ang ilang segundong katahimikan, inamin ni Charo ang naramdamang awkwardness sa buong pangyayari. “Nakakainis kayo! There’s this feeling of discomfort kasi parang, talaga, nangyayari ito right before my very eyes,” pahayag ng aktres. Natanong pa niya si Dingdong kung ayos lang ito dahil hindi siya pinapansin sa interview, ngunit sagot ng aktor, “Cool lang ako, never mangyayari na magtatampo ako sa ganun.”
Si Charo Santos ay isang batikang aktres, TV host, at dating ABS-CBN executive na kilala sa kanyang mga iconic roles sa pelikula at telebisyon. Kilala rin siya bilang host ng “Maalaala Mo Kaya” sa loob ng maraming taon. Samantala, si Dingdong Dantes ay isa sa mga top leading men ng GMA Network at tinaguriang Kapuso Primetime King. Si Ogie Diaz naman ay isang kilalang talent manager at vlogger na mahilig sa mga prank at candid interviews.
Tumanggap si Charo ng pagkilala mula sa kanyang alma mater, ang St. Paul University Manila, para sa kanyang kontribusyon sa larangan ng sining at media. Sa isang emosyonal na mensahe, pinasalamatan niya ang mga teachers at komunidad ng paaralan na naging bahagi ng kanyang formative years.
Sa isang viral video, makikitang biglang “kinaldag” ni Vice Ganda si Charo habang sila ay magkasama sa isang segment. Sa gulat ng aktres, napatanong siya kung ano ang nangyari ngunit nagpatuloy pa rin sa pakiki-jam sa masayang eksena.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh