Netizens, napansing hindi na naka-follow si Heaven Peralejo kay Marco Gallo

Netizens, napansing hindi na naka-follow si Heaven Peralejo kay Marco Gallo

- Napansin ng netizens na hindi naka-follow si Heaven Peralejo kay Marco Gallo sa Instagram

- Sa mismong IG account ni Marco, makikitang naka-follow pa rin siya kay Heaven

- Wala pang pahayag ang dalawa ukol sa usap-usapang IG activity na ito

- Matagal nang kinikilig ang fans sa tambalan nila sa ‘The Rain in España’ at sa tunay na relasyon nila

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi pa man nagsisimula nang todo ang buwan ng Hunyo, may mainit nang paksa ang mga netizens at marites online—ang umano’y pag-unfollow ni Heaven Peralejo sa kanyang rumored boyfriend at ka-love team na si Marco Gallo sa Instagram.

Netizens, napansing hindi na naka-follow si Heaven Peralejo kay Marco Gallo
Netizens, napansing hindi na naka-follow si Heaven Peralejo kay Marco Gallo (📷@marcogalloc/IG)
Source: Instagram

Ayon sa mga tsismosa’t tsismosong netizens, biglang napansin na hindi na naka-follow si Heaven kay Marco, kaya naman mabilis itong umikot sa social media, lalo na sa comment sections ng mga entertainment sites gaya ng Fashion Pulis.

Sa kabila ng obserbasyong ito, nang personal na tingnan ng Balita ang Instagram account ni Heaven bandang 4:06 ng hapon noong Hunyo 1, 2025, ay makikitang muli na siyang naka-follow kay Marco. Ibig sabihin, kung may naging IG hiccup man o pansamantalang pag-unfollow, mukhang naayos din agad. Sa kabilang banda, consistent na naka-follow si Marco kay Heaven base sa kanyang public profile.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging IG official ang dalawa noong Marso 2025, kasabay ng mga sweet posts nila na nagpakilig sa kanilang fans. Galing pareho sa “Pinoy Big Brother,” mas lalong pinatibay ng kanilang tambalan sa hit series na The Rain in España ang kanilang koneksyon sa loob at labas ng showbiz. Kaya naman kahit isang simpleng IG follow/unfollow lang, big deal ito sa mga masugid na tagahanga.

Wala pang opisyal na pahayag mula kina Heaven o Marco tungkol sa naturang IG activity. Gayunpaman, mas pinili ng ilang fans na isipin na baka glitch lang ito o simpleng "refresh" ng social media habits, sa halip na senyales ng paglamig ng kanilang relasyon.

Si Heaven Peralejo ay isa sa mga produktong bituin ng Pinoy Big Brother: Lucky 7, at mula noon ay lumago ang kanyang karera bilang aktres at social media personality. Bukod sa kanyang pagiging visible sa entertainment projects, bukambibig din ang pagiging malapit niya sa kanyang Tita, ang aktres na si Rica Peralejo, na patuloy ang gabay sa kanya.

Samantalang si Marco Gallo naman ay isang Filipino-Italian actor na unang sumikat din sa PBB at ngayo’y kilala na rin bilang heartthrob ng bagong henerasyon. Bukod sa teleserye, aktibo rin si Marco sa modeling at endorsements.

Ibinahagi ni Heaven ang mga matitibay na payo sa kanya ng Tita niyang si Rica Peralejo ukol sa showbiz career. Ayon kay Heaven, tinuruan siya ni Rica na huwag masyadong magpadala sa pressure ng kasikatan at panatilihin ang pagiging grounded. Malaking tulong umano ito sa kaniyang pag-handle ng kanyang image at personal growth.

Nagkaroon ng masayang pagkikita si Rica Peralejo at ang ina ni Heaven, na lalong nagpapatibay sa relasyon nila bilang pamilya. Nilinaw din ni Rica na siya ay tita sa malapit na pamilya ni Heaven, hindi first-degree aunt, ngunit close pa rin ang kanilang ugnayan. Nagbigay ito ng mas malinaw na konteksto sa madalas nilang banggitang koneksyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate