Jayda Avanzado, nais magtagumpay sa sariling sikap

Jayda Avanzado, nais magtagumpay sa sariling sikap

- Si Jayda Avanzado ay pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency upang mas mapalawak ang kanyang karera bilang artista

- Determinado si Jayda na magtagumpay sa sariling sikap sa halip na umasa sa pangalan ng kanyang mga magulang na kilala bilang mga sikat na OPM artists

- Aminado siyang may benepisyo ang pagkakaroon ng sikat na magulang ngunit pinili niyang magsimula mula sa wala upang may mapatunayan

- Inspirasyon sa kanya ang mga aral na natutunan sa karera ng kanyang amang si Dingdong Avanzado at inang si Jessa Zaragoza

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nais ni Jayda Avanzado na magsimula sa sariling pagsusumikap upang makilala sa larangan ng showbiz hindi lang bilang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, kundi bilang isang ganap na artista at musikero. Sa kanyang bagong yugto sa karera, mas lalong nagpursigi ang dalaga matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency.

Jayda Avanzado, nais magtagumpay sa sariling sikap
Jayda Avanzado, nais magtagumpay sa sariling sikap (đź“·@jayda/IG)
Source: Instagram

Sa panayam mula sa GMA Entertainment, inilahad ni Jayda ang kanyang hangarin na magtagumpay nang hindi umaasa sa kasikatan ng kanyang mga magulang. “Well, yung pag-start ko from zero, conscious decision ko talaga yun,” aniya. “As you are all aware, siyempre, with my parents and my family being in the business, of course, alam ko na it comes with a perception. I mean, di ba, may tinatawag na nepo baby?”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bagama’t hindi maikakaila ang kaginhawaan ng pagkakaroon ng showbiz background, mas pinili ni Jayda ang mas matarik na landas upang mapatunayan ang sarili. “Gusto ko po talaga to work for my place in this industry just as my parents did. Kasi for me, I honor their legacy and the mark that they’ve left on this industry by taking a path of my own,” dagdag pa niya.

Ipinahayag rin ni Jayda ang kanyang pasasalamat sa mga aral na natutunan mula sa kanyang mga magulang na mas nagpatibay sa kanya bilang artista. “I think that’s the best part. I have two very important people in my life that I’m able to share my experiences with,” saad niya. Ang kanilang mga karanasan ay nagsilbing gabay sa kanyang paglalakbay sa mundo ng musika at pag-arte.

Si Jayda Avanzado ay anak ng kilalang OPM singer-composer na si Dingdong Avanzado at ng “Phenomenal Diva” na si Jessa Zaragoza. Bukod sa kanyang husay sa pag-awit, unti-unti na rin siyang lumalawak sa larangan ng pag-arte. Sa kabila ng pagiging anak ng dalawang sikat na personalidad, pinili ni Jayda na tahakin ang sariling landas upang mas mapanday ang kanyang pagkatao bilang isang independent artist.

Sa espesyal na tribute para sa kanyang ina, muling inaral ni Jayda ang iconic looks ng kanyang inang si Jessa Zaragoza at binigyang-buhay ang ilan sa mga classic album covers nito. Mula sa pose hanggang sa wardrobe, ipinakita ni Jayda ang kanyang respeto at paghanga sa legacy ni Jessa sa OPM industry.

Sa kanilang wedding anniversary, nagpaabot ng matamis na pagbati si Jayda para sa kanyang mga magulang. Sa isang heartfelt post, ipinahayag ni Jayda kung gaano siya kaswerte sa pagiging anak ng dalawang taong tunay na nagmamahalan at sumusuporta sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate