Dina Bonnevie, inalala ang yumaong asawang si DV Savellano: “I long for my husband's embrace”

Dina Bonnevie, inalala ang yumaong asawang si DV Savellano: “I long for my husband's embrace”

- Nag-post si Dina Bonnevie sa Instagram ng video tribute para sa yumaong asawang si Undersecretary DV Savellano, limang buwan matapos itong bawian ng buhay

- Sa kanyang caption, inilahad ng beteranang aktres ang patuloy na sakit ng pagdadalamhati at ang pagnanais na muling maramdaman ang yakap ng asawa

- Inalala niya ang mga salitang nagbibigay lakas sa kanya na tila naririnig pa rin niya mula sa kanyang yumaong asawa na tinawag siyang “My queen, my love, my life”

- Nanatili ang pananampalataya ni Dina na ang asawa ay kasama na ni Jesus at patuloy siyang ipinagdadasal nito mula sa langit

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kahit limang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw si Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano, nananatiling sariwa pa rin ang sakit sa puso ni Dina Bonnevie.

Dina Bonnevie, inalala ang yumaong asawang si DV Savellano: “I long for my husband's embrace”
Dina Bonnevie, inalala ang yumaong asawang si DV Savellano: “I long for my husband's embrace” (📷@dinabonnevie/IG)
Source: Instagram

Sa isang emosyonal na post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang isang video tribute na binubuo ng kanilang mga larawan bilang mag-asawa habang tumutugtog sa background ang kantang “Visiting Hours” ni Ed Sheeran.

Sa caption ng post, inamin ni Dina na marami nang nagbago sa kanyang buhay simula nang mawala si DV. “I long for my husband's embrace; I wish I could tell him everything and he could hold me and wipe away my tears, and protect me and make me feel safe,” sulat niya.

Puno ng pag-ibig at pananampalataya ang kanyang mga salita habang inalala rin niya ang tila paulit-ulit na bulong ng kanyang mister sa kanyang isip, “My queen, my love, my life, always remember that as long as I am here, nothing can harm you because God is with me, with us! He is our strength and our power.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng kanyang pagdadalamhati, sinabi ni Dina na alam niyang si DV ay nasa piling na ni Jesus at nananatiling nariyan upang gabayan at ipagdasal siya. Pinasalamatan din ng aktres ang kanyang kaibigang gumawa ng video tribute at sa pagbibigay ng kaaliwan sa kanya sa panahong patuloy siyang nagluluksa.

Si Dina Bonnevie ay isa sa mga pinakarespeto at hinahangaang aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga makabuluhang papel at sa pagiging ina nina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto. Ikinasal siya kay Deogracias Victor “DV” Savellano, isang kilalang public servant at Undersecretary sa Department of Agriculture, na pumanaw noong unang bahagi ng 2024. Naging tahimik si Dina ukol sa sakit na dinaranas niya, ngunit nitong kamakailan lamang ay unti-unti na siyang nagbabahagi ng kanyang emosyon sa social media bilang paraan ng kanyang paghilom.

Sa isang touching Instagram post, nagbigay si Dina ng napaka-sweet na mensahe para sa kaarawan ng kanyang anak na si Danica. Tinawag niyang "a living testimony of God’s goodness and faithfulness" ang kanyang anak, sabay puri sa pagiging mabuting ina at asawa ni Danica. Ipinakita rin ng aktres ang mas lalong lalim ng ugnayan nila bilang mag-ina.

Bilang pagdiriwang ng Mother’s Day, ibinahagi ni Dina ang ilang masayang litrato kasama ang kanyang pamilya. Makikita sa mga larawan ang saya sa kabila ng pinagdadaanan niyang personal na lungkot. Nagpasalamat siya sa mga anak at apo niya na aniya'y nagsisilbing lakas niya sa panahon ng pangungulila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate