Paolo Contis, natanong tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Yen Santos

Paolo Contis, natanong tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Yen Santos

-Paolo Contis ay muling tinanong tungkol sa ex-girlfriend niyang si Yen Santos ngunit mas pinili niyang umiwas at tumawa na lang sa tanong

-Sa gitna ng tanong tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Yen at ang napansing pagbabago sa kanyang pangangatawan, simple lang ang sagot ni Paolo na tila nais iwasan ang isyu

-Ipinaliwanag ng aktor na mas pinipili niyang itago ang ilang bahagi ng kanyang personal na buhay at maghihintay ng tamang panahon upang magsalita

-Sa ngayon ay nakatuon si Paolo sa kanyang trabaho at higit sa lahat ay sa pag-aalaga sa kanyang ina na kasalukuyang may karamdaman

Sa isang panibagong interview na isinulat ng entertainment columnist na si Gorgy Rula para sa Pilipino Star Ngayon, muling naging usap-usapan ang aktor na si Paolo Contis matapos siyang tanungin tungkol sa kanyang dating kasintahan na si Yen Santos. Tinanong si Paolo tungkol sa showbiz comeback ni Yen at sa tila mas fit nitong pangangatawan, ngunit hindi direkta ang naging sagot ng aktor. “Choppy ka, Gorgy! Choppy ka! Masaya ako sa trabaho ko ngayon. Huwag mo nang dalhin kung saan-saan,” ani Paolo na tila nagpapahiwatig ng pag-iwas sa tanong.

Paolo Contis, natanong tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Yen Santos
Paolo Contis, natanong tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Yen Santos (📷@paolo_contis/IG)
Source: Instagram

Hindi rin idinetalye ni Paolo kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Yen, ngunit inamin na noon sa isa niyang panayam na siya ay single—isang pahiwatig ng kanilang hiwalayan. Ipinunto rin ni Paolo na mas pinipili na niyang itago ang kanyang personal na buhay sa ngayon, at darating din aniya ang oras na handa siyang magbahagi muli. “Kaya nga tinatago ko na sa sarili ko, kasi ‘yan na ang tama sa ngayon… Eventually, ‘pag may puwede na akong ikuwento, ‘pag may puwede na akong sabihin, babalik din tayo dun,” dagdag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa mga usapin tungkol sa kanyang love life, ibinahagi rin ni Paolo na mas naka-focus siya ngayon sa kanyang pamilya, lalo na sa pag-aalaga sa kanyang ina na may karamdaman. Ayon sa kanya, ipinagdadasal nila ang patuloy na paggaling at lakas ng kanyang Mama, na siyang inuuna niya ngayon kaysa anumang isyu sa showbiz. Sa kabila ng mga isyung bumabalot sa kanyang personal na buhay, tila nananatiling tahimik at kalmado si Paolo sa pagpapatuloy ng kanyang karera.

Si Paolo Contis ay isang Kapuso actor na kilala sa kanyang versatility bilang komedyante, drama actor, at host. Mula sa pagiging child star sa "Ang TV," lumago ang kanyang karera sa showbiz at naging bahagi ng maraming teleserye at pelikula. Naging usap-usapan ang kanyang love life matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni LJ Reyes, at kalaunan ay na-link kay Yen Santos. Sa kabila ng mga isyu, nananatili siyang aktibo sa telebisyon at mga pelikula.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Paolo Contis na nakatanggap siya ng death threat mula sa isang netizen ngunit imbes na matakot ay napatawa pa ito. Gayunpaman, inalala niya ang kanyang ina na may sakit, at sinabi niyang mas apektado siya para sa pamilya niya kaysa sa sarili. Ipinahayag niya ang patuloy na pagsuporta at pagmamahal sa kanyang ina, at sinabi ring pinapairal niya ang positibong pananaw sa kabila ng mga bashers.

Nag-post si Paolo Contis ng throwback birthday greeting para sa dating co-star at kaibigan na si Kaye Abad. Sa caption, ibinahagi niya ang isang lumang larawan nila na kuha pa noong panahon ng "Tabing Ilog." Nag-react si Kaye sa post at napa-comment ng “Hayup!” na ikinatuwa rin ng kanilang mga fans, lalo na ang mga nakaka-miss sa tambalan nila noon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: