Kiray Celis, ibinahagi ang practical na dahilan sa likod ng P1M engagement ring

Kiray Celis, ibinahagi ang practical na dahilan sa likod ng P1M engagement ring

-Ibinahagi ni Kiray Celis na engaged na siya sa longtime boyfriend niyang si Stephan Estopia

-May 3-carat diamond ang engagement ring na ibinigay ni Stephan na nagkakahalaga ng higit sa P1 milyon

-Ipinaliwanag ni Kiray ang praktikal na dahilan kung bakit gusto niya ng mamahaling singsing

-Kilala si Kiray bilang breadwinner ng kanyang pamilya at isa ring matagumpay na negosyante

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang emosyonal na milestone sa buhay ni Kiray Celis ang ibinahagi kamakailan ng aktres at komedyante matapos ang matagumpay na wedding proposal ng kanyang longtime boyfriend na si Stephan Estopia.

Kiray Celis, ibinahagi ang practical na dahilan sa likod ng P1M engagement ring
Kiray Celis, ibinahagi ang practical na dahilan sa likod ng P1M engagement ring (📷@kiraycelis/Instagram)
Source: Instagram

Pagkatapos ng mahigit limang taon ng relasyon, nagpropose si Stephan sa harap ng pamilya at mga kaibigan ni Kiray—isang moment na punung-puno ng tuwa at luha ng kasiyahan.

Umani ng atensyon sa social media ang engagement ring ni Kiray na may 3-carat diamond, na ayon sa aktres ay nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso. Sa isang panayam sa Julius Babao UNPLUGGED YouTube channel, inamin ni Kiray na matagal na niyang pinaalam kay Stephan ang kahilingan niyang ito.

“Kapag nagyaya ka magpakasal kailangan isang milyon ang minimum ng singsing kasi kapag nangangailangan tayo siyempre eh di ibenta ko ‘yung singsing,” ani Kiray. Nilinaw din niya na wala siyang intensyong ibenta ito, maliban na lang kung magkaroon ng matinding pangangailangan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ng aktres, isa sa mga dahilan kung bakit tumagal ang panahon bago magpropose si Stephan ay dahil sa request niyang ito. “Hinigitan niya pa. Talaga naman. Iba,” ani Kiray. Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, pinanghahawakan ni Kiray ang kahalagahan ng financial preparedness. Alam niya ang halaga ng pagiging handa sa anumang biglaang pangyayari sa buhay.

Kwento pa ni Kiray, masyado siyang naging emosyonal sa proposal kaya nakalimutan niyang sa kaliwang kamay pala isinusuot ang engagement ring. “Hindi ko alam na sa kaliwa pala, as in wala talaga akong idea. Kaya ngayon nilipat ko na, e,” aniya habang natatawa.

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Deserve mo ‘yan Kiray! Ang tagal mong hinintay, at least secured ka na emotionally at financially.”

“Ang cute ng reason niya. Practical pero may puso. Ganyan dapat, iniisip din ang future!”
“Nakakaiyak ‘yung part na iniisip niya ‘yung pamilya niya kahit sa singsing. Hindi lang arte, may dahilan.”

Tila simbolo rin ng bagong yugto sa kanyang buhay ang napakamahal na singsing—hindi lamang dahil sa presyo nito kundi dahil sa pagmamahal at dedikasyong ipinakita ni Stephan sa kanya.

Si Kiray Celis ay unang nakilala bilang child star sa "Goin’ Bulilit" at lumago bilang isang matagumpay na komedyante at negosyante. Kilala rin siya sa social media para sa kanyang nakakatawang content at pagiging totoo sa kanyang mga pahayag. Sa kabila ng tagumpay sa showbiz, priyoridad ni Kiray ang kanyang pamilya, kung saan siya ang pangunahing sumusuporta.

Sa artikulong ito, makikita ang actual video ng proposal na umani ng libu-libong views online. Hindi napigilan ni Kiray ang kanyang emosyon sa moment ng proposal kung saan makikita siyang umiiyak at nanginginig habang isinusubo ni Stephan ang tanong na matagal niyang hinihintay.

Ibinahagi ni Kiray sa kanyang social media followers ang espesyal na moment kung saan unang beses niyang sinuot at sinukat ang kanyang wedding gown. Ayon sa aktres, mixed emotions ang naramdaman niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin na nakasuot ng damit pangkasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: