Andi Eigenmann, nasungkit ang 6th place sa sinalihang surfing competition sa Siargao
-Nakuha ni Andi Eigenmann ang ika-6 na pwesto sa Queen of the Point women’s longboarding competition sa Cloud 9, Siargao
-Ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa Instagram at ipinagmalaki ang pakikipagkumpetensya kasama ang mga inspiradong kababaihan
-Nagpasalamat siya sa kanyang partner na si Philmar Alipayo at anak na si Lilo sa walang sawang suporta
-Nagbigay din siya ng paalala sa mga baguhan sa surfing tungkol sa respeto sa lokal na kultura sa tubig
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ipinamalas ni Andi Eigenmann ang kanyang galing sa surfing matapos makapasok sa finals ng “Queen of the Point” competition na ginanap sa Cloud 9, Siargao nitong weekend. Sa kanyang Instagram post nitong Mayo 6, proud na ibinahagi ni Andi ang mga litrato habang sinasakyan niya ang alon sa longboarding event na eksklusibo para sa kababaihan.

Source: Instagram
“Stoooked! Made my first ever finals at Queen of the Point — Cloud 9! Placed 6th! Yiiw! Grateful beyond words to share the lineup with such powerful, inspiring women both from Siargao and from other parts of the world,” ani niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod sa kompetisyon, masaya ring inalala ni Andi ang after-party kung saan nagsama-sama ang mga surfers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ibinahagi rin niya ang kanyang pasasalamat sa partner na si Philmar Alipayo at kanilang anak na si Lilo sa walang sawang suporta. “Another special thanks to [@chepoxz] for lending his surfer hat to me and Lilo for this weekend,” saad niya. Bukod sa pagiging partner, naging driver, surf coach, photographer, tagabitbit at cheerleader rin daw si Philmar sa buong event.
Ngunit higit pa sa surfing, may mas malalim na mensahe rin si Andi para sa mga baguhan sa surfing community. Sa kanyang Instagram stories, pinaalalahanan niya ang mga bisita at baguhan na igalang ang kultura at mga lokal sa bawat surf spot. “Respect is earned. Especially in the water. You don’t just demand respect from locals when you don’t even respect them at all,” aniya. Hindi man pinangalanan kung sino ang kanyang pinatutungkulan, ramdam sa kanyang mensahe ang matinding malasakit sa komunidad na kanyang minahal na sa Siargao.
Si Andi Eigenmann ay isang dating aktres na mas piniling iwan ang mundo ng showbiz upang mamuhay nang simple sa isla ng Siargao kasama ang kanyang pamilya. Kilala siya ngayon bilang isang advocate ng sustainable living, motherhood, at local surf culture. Isa rin siya sa mga celebrity moms na aktibong nagbabahagi ng kanilang alternatibong lifestyle sa social media, na inspirasyon para sa marami.
Sa isang video post, makikitang sumabak si Andi Eigenmann sa unang pagkakataon sa ice bath bilang bahagi ng kanyang wellness journey. Bagama’t aminadong kinakabahan, matagumpay naman niyang nalampasan ito habang nakangiti. Ibinahagi niya ang benepisyo ng cold exposure therapy at kung paano ito nakatulong sa kanyang katawan at pag-iisip.
Nagbahagi si Andi ng mga litrato ng kanyang backyard garden sa Siargao, kung saan makikitang hands-on siya sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman. Sinamahan niya ito ng caption na “Hopefully I don’t offend the internet,” na tila patama sa mga bashers na madalas may masasabi sa kanyang mga lifestyle choices. Marami ang humanga sa kanyang pagiging grounded at eco-conscious.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh