Jackie Lou Blanco, inakap ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Ricky Davao

Jackie Lou Blanco, inakap ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Ricky Davao

-Nagbigay ng taos-pusong eulogy si Jackie Lou Blanco para sa yumaong asawa na si Ricky Davao sa lamay nito noong Mayo 6 sa Taguig

-Buong pagmamahal at respeto ang naramdaman ng mga dumalo, kabilang ang mga nakinig sa tatlong punong chapels ng Heritage

-Ibinahagi ni Jackie na iuuwi muna ng pamilya ang urn ni Ricky hanggang makapagdesisyon kung saan ito ilalagak

-Ipinakita ni Jackie Lou ang bukas niyang puso sa mga minahal ni Ricky, kabilang ang anak nito kay Cheryl Singzon at si Mayeth Malca Darroca

Emosyonal na nagbigay ng eulogy si Jackie Lou Blanco sa huling gabi ng lamay ng kanyang estranged husband na si Ricky Davao nitong Martes, Mayo 6, 2025, sa Heritage Memorial Park. Sa kabila ng kanilang matagal nang paghihiwalay, dama ng lahat ng dumalo ang lalim ng pagmamahal at respeto ni Jackie kay Direk Ricky.

Jackie Lou Blanco, inakap ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Ricky Davao
Jackie Lou Blanco, inakap ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Ricky Davao (📷N01 Entertainment/YouTube)
Source: Youtube

Punong-puno ang tatlong chapel sa Heritage, standing room only ang eksena habang lumuluhang nakikinig ang mga kaibigan, kapamilya, at tagahanga ni Ricky. Marami ang nadama ang tunay na halaga ng pamilya, kapatawaran, at walang kondisyong pag-ibig sa mga salitang binitawan ni Jackie Lou. Ayon sa kanya, “Iuwi muna [ang urn] till we decide saan yung resting place,” katulad din ng kanilang ginawa noon sa yumaong ina ni Jackie na si Pilita Corrales.

Sa huling gabi ng lamay, hindi napigilan ng maraming naroroon ang mapaluha, lalo na nang makita kung paanong niyakap at hinalikan ni Jackie Lou ang anak ni Ricky kay Cheryl Singzon na si Justine. Kasama rin sa kanyang niyakap ay ang iba pang babaeng naging bahagi ng buhay ng aktor-direktor, tulad ni Mayeth Malca Darroca. Patunay ito sa bukas at mapagpalayang puso ni Jackie, na sa kabila ng mga pangyayari sa kanilang buhay ay hindi nawalan ng dignidad at pagmamahal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal at tumulong sa kanilang pamilya sa gitna ng mahirap na panahong pinagdaanan nila. Sa loob ng dalawang linggo, napakaraming emosyon ang pinagdaanan ni Jackie Lou, mula sa pagkamatay ng kanyang ina, hanggang sa pagkawala ng ama ng kanyang mga anak. “It can only be through God’s grace,” aniya, kung paano niya nalampasan ang lahat ng ito.

Isa si Ricky Davao sa pinakakilalang aktor at direktor sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang husay sa drama at pagganap sa mga kritikal na pelikula at teleserye. Sa kabila ng hiwalay nila ni Jackie Lou Blanco, nanatili siyang bahagi ng buhay ng aktres at ng kanilang mga anak. Isa rin siyang ama kay Justine, anak niya kay dating beauty queen Cheryl Singzon.

Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Jackie Lou kung gaano kabigat ang nararamdaman niya matapos mawalan ng dalawang mahal sa buhay sa loob lamang ng isang buwan. Aniya, wala na raw siyang ibang masasandalan kundi ang kanyang pananampalataya, at tanging grasya ng Diyos ang naging sandigan niya sa panahong ito.

Sa parehong panayam, ikinuwento ni Jackie Lou ang mga huling araw ni Ricky bago ito pumanaw. Kasama umano niya si Ricky sa ospital at inalala niya ang mga panahong iyon bilang mabigat ngunit puno ng kahulugan at pagmamahalan. Ipinakita rin niya kung paano sila nagkaayos at nagkasama bilang pamilya kahit sa mga huling sandali ng buhay ni Ricky.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate