Beauty Gonzalez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa ika-8 anibersaryo nila ni Norman Crisologo

Beauty Gonzalez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa ika-8 anibersaryo nila ni Norman Crisologo

-Ibinahagi ni Beauty Gonzalez ang kanilang throwback wedding photo sa Instagram

-Nagpahayag siya ng matamis na mensahe para sa asawa niyang si Norman Crisologo

-Ika-walong anibersaryo na ng kasal ng dalawa na ginanap sa Tagaytay noong 2017

-Ipinakita rin ni Beauty ang kanilang matibay na samahan na umabot na sa halos isang dekada

Mainit na kilig at pagmamahal ang bumalot sa social media nang mag-post si Beauty Gonzalez ng throwback wedding photo nila ng mister na si Norman Crisologo. Sa isang Instagram story, ibinahagi ng aktres ang black and white na larawan mula sa kanilang kasal noong Mayo 2017 kung saan makikitang naghahalikan sila ni Norman.

Beauty Gonzalez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa ika-8 anibersaryo nila ni Norman Crisologo
Beauty Gonzalez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa ika-8 anibersaryo nila ni Norman Crisologo (@📷beauty_gonzalez/IG)
Source: Instagram

Kalakip nito ang simpleng mensahe pero tagos sa puso: “I did, I do, I will. Hanggang sa dulo ng mundo, ikaw pa rin at ako. Happy wedding anniversary!”

Umani ng papuri at congratulatory messages ang nasabing post mula sa fans at followers ni Beauty. Kilala ang mag-asawa sa kanilang lowkey ngunit matatag na relasyon, sa kabila ng pagiging public figure ni Beauty at pagiging respetadong art curator ni Norman. Sa loob ng walong taon ng kanilang pagsasama, madalas na makikita ang kanilang bonding moments sa social media, lalo na ang kanilang mga biyahe kasama ang anak nilang si Olivia.

Beauty Gonzalez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa ika-8 anibersaryo nila ni Norman Crisologo
Beauty Gonzalez, nagbahagi ng nakakakilig na mensahe sa ika-8 anibersaryo nila ni Norman Crisologo (@📷beauty_gonzalez/IG)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinasal sina Beauty at Norman sa isang garden wedding sa Tagaytay noong 2017. Taong 2016 naman nang isilang ang kanilang unica hija na si Olivia Ines. Sa kabila ng pagiging abala sa showbiz, laging inuuna ni Beauty ang kanyang pamilya. Isa rin siyang hands-on mom, gaya ng makikita sa mga post niya kung saan aktibo rin si Olivia sa gawaing bahay at pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop.

Si Christine Marie "Beauty" Gonzalez ay isang Filipina-Spanish actress na unang sumikat sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Mula noon, sunod-sunod na ang kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula, kabilang ang mga critically acclaimed na serye tulad ng Kadenang Ginto at Stolen Life. Isa rin siya sa mga artistang hindi natatakot lumabas sa comfort zone, at kilala rin bilang isang fashion icon sa red carpet events.

Bukod sa pagiging aktres, si Beauty ay isa ring art enthusiast at kabiyak ng art curator na si Norman Crisologo. Ang kanilang pagsasama ay itinuturing ng marami bilang couple goal dahil sa simple ngunit solidong pagsasama sa likod ng kamera.

Sa isang nakakatuwang post, ibinahagi ni Beauty ang video ng anak niyang si Olivia habang masigasig na naglalaba ng mga basahan. Sa caption, tinawag niya itong “CinderOlivia,” na tila tumutukoy sa iconic fairytale character na si Cinderella. Umani ito ng papuri mula sa netizens na humanga sa pagiging down-to-earth ng bata at sa pagpapalaki ni Beauty.

Viral din kamakailan ang isang video ni Olivia habang pinapaliguan ang kanilang alagang aso. Makikitang maayos at mahinahon ang bata habang inaalagaan ang alaga nila, na muling ikinaaliw ng mga netizens. Pinuri si Beauty bilang isang magaling na ina na nagtuturo ng tamang pag-aalaga at responsibilidad sa kanyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate