Karla Estrada, aminadong nagtampo kay Ogie Diaz: ‘Naka-magkano ka sa content mo?’

Karla Estrada, aminadong nagtampo kay Ogie Diaz: ‘Naka-magkano ka sa content mo?’

-Sa one-on-one interview nila, inamin ni Karla Estrada na minsan siyang nainis sa entertainment columnist na si Ogie Diaz

-Nilinaw ni Karla na mas pinipili niyang unahin ang kanilang pagkakaibigan kaysa sa tampo o sama ng loob

-Ibinahagi rin ni Karla ang pananaw niya sa naging breakup nina Daniel at Kathryn Bernardosyu sa anak niyang si Daniel Padilla

Ibinahagi rin ni Karla ang pananaw niya sa naging breakup nina Daniel at Kathryn Bernardo

Hindi naiwasan ni Karla Estrada na maging totoo sa kanyang nararamdaman sa panayam kasama si Ogie Diaz, kung saan diretsahan niyang inamin na minsan siyang nagtampo sa entertainment columnist dahil sa paraan ng pagtalakay nito sa mga isyu ng anak niyang si Daniel Padilla.

Karla Estrada, aminadong nagtampo kay Ogie Diaz: ‘Naka-magkano ka sa content mo?’
Karla Estrada, aminadong nagtampo kay Ogie Diaz: ‘Naka-magkano ka sa content mo?’ (📷Ogie Diaz/YouTube)
Source: Youtube

Hindi naman niya ito itinanggi nang tanungin ni Ogie kung nagalit ba siya sa kaniya. Aniya, “Of course! Siyempre may mga salitang hindi nakakatuwa. Pero mas malawak ang pang-unawa ko, eh... pinagkatiwala ko sa’yo ang anak ko na maging ninong.”

Read also

Karla Estrada, thankful sa pamilya ni Kathryn: "No bad blood for me"

Bagama’t may tampo, pinili ni Karla na ipaglaban ang kanilang pagkakaibigan. Aniya, normal lang ang mga tampuhan pero hindi siya naniniwala sa mababaw na ugnayan. “Hindi ako naniniwala sa mababaw na pagkakaibigan... kapag nagkikita tayo, lagi tayong nagtatawanan,” dagdag pa niya. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, biniro pa ni Karla si Ogie ng, “Infernes, ‘yung buong pangyayaring iyon, naka-magkano ka sa content mo?” — na ikinatawa ng dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napag-usapan din sa panayam ang naging papel ni Karla sa pagtatangkang paglapitin muli sina Ogie at Daniel noong ABS-CBN Ball, pero inamin ni Diaz na hindi pa siya handa noon habang si Daniel ay tila mailap pa. Para kay Karla, masakit ang pinagdaanan ng anak niya sa gitna ng isyu sa breakup nila ni Kathryn Bernardo, ngunit naniniwala siyang matatag ang anak niya bilang isang tao. “Alam ko ang kakayanan ng anak ko bilang tao,” giit ng aktres.

Sa tanong naman ni Ogie kung naka-move on na nga ba si Daniel mula kay Kathryn, sagot ni Karla, “Mahirap naman makalimutan ang taong matagal mo rin nakasama... Tingin ko lang. Ako din pala, love ko sila [as a pair]. Hindi nagbabago ‘yun.” Pinasalamatan din niya ang pamilya ni Kathryn sa kabutihang ipinakita nila sa kanyang anak, at inaming parang pamilya na ang turing nila sa isa’t isa.

Read also

Karla kay Daniel sa hiwalayan ng Kathniel: "'To naman 'di manlang maka-marites"

Si Karla Estrada ay isang aktres, TV host, at singer na kilala sa kanyang pagiging mapagmahal na ina kay Daniel Padilla. Bukod sa pagiging bahagi ng Magandang Buhay, isa siya sa mga showbiz personalities na kilala sa pagiging prangka at tapat sa saloobin. Sa kabila ng mga intriga, pinipili niyang panatilihin ang mga mahahalagang relasyon sa buhay niya, gaya ng pagkakaibigan nila ni Ogie Diaz.

Sa gitna ng paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ibinahagi ni Karla Estrada ang pananaw ng isang ina. Aniya, kahit usap-usapan ito ng lahat, hindi siya agad nakialam at piniling unawain ang anak sa sarili nitong proseso. Sinabi rin niyang hindi madali ang pinagdaraanan ni Daniel, lalo’t matagal nilang nakasama ang isa’t isa ni Kathryn.

Nagpahayag si Karla ng taos-pusong pasasalamat sa pamilya ni Kathryn Bernardo dahil sa kabutihang ipinakita ng mga ito sa kanyang anak. Ayon sa kanya, parang naging ina rin siya ni Kathryn at walang sama ng loob sa kanilang pamilya. Ipinakita ni Karla na may respeto pa rin siya sa KathNiel at hindi nawawala ang pagpapahalaga sa samahang nabuo nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate