Karla kay Daniel sa hiwalayan ng Kathniel: "'To naman 'di manlang maka-marites"

Karla kay Daniel sa hiwalayan ng Kathniel: "'To naman 'di manlang maka-marites"

- Sa kanyang YouTube channel, nakapanayam ni Ogie Diaz si Karla Estrada

- Isa sa natalakay nila ay ang tungkol sa hiwalayan noon ng Kathniel

- Matatandaang Nobyembre ng 2023 gumulantang sa publiko ang nasabing hiwalayan

- Nauna itong naibahagi ni Ogie Diaz hanggang sa kalauna'y kinumpirma na rin ni Kathryn na sinundan ni Daniel

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Karla Estrada, isa sa mga nausisa niya sa ina ni Daniel Padilla ay tungkol sa hiwalayan ng KathNiel.

Karla kay Daniel sa hiwalayan ng Kathniel: "'To naman 'di manlang maka-marites"
Karla Estrada (Ogie Diaz YouTube)
Source: Facebook
"Wala talaga. Pero syempre bilang nanay nagkaroon ako ng sarili kong kaalaman."

Makulit pa nitong nasabi na "'To naman, hindi maka-marites ng konte," na wala umanong gaanong alam sa detalye ng hiwalayan.

"The more na hindi nagsasalita, mas kampante ako kasi alam kong pinag-iisipan ay kaya niya"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Karla, nagpaalala na lamang siya kay Daniel. "Wala siyang sinabi ha, ako lang talaga ang may sinabi, Sabi ko lang, anak paghandaan mo ha, it's going to be a rollercoaster ride after the breakup."

Read also

Marissa Sanchez, emosyonal na nagbigay-pugay kay Ricky Davao: “Wala ka na"

"Oo ma, handa ako" ang sagot naman daw sa kanya ng anak.

Sa naturang interview din nabanggit ni Karla ang kanyang pasasalamat sa pamilya ni Kathryn lalo na sa ina ng aktres.

"I really love them. I'm really thankful for the family nila Kath. I'm really thankful kasi ang laking tulong nila sa anak ko na dalawa kaming naging nanay ni Ate Min. So I'm really thankful."

Narito ang kabuuan ng kanilang panayam:

Si Daniel Padilla ay isang kilalang aktor at mang-aawit mula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995, at anak siya ng mga aktor na sina Rommel Padilla at Karla Estrada. Naging tanyag siya sa kanyang mga papel sa mga teleseryeng gaya ng Pangako Sa 'Yo, La Luna Sangre, at The Haunted, pati na rin sa mga pelikulang tulad ng Barcelona: A Love Untold, Can't Help Falling In Love, at The Hows of Us na umano'y huling proyekto na pala nila ng dating nobyan na si Kathryn Bernardo.

Read also

Catriona Gray, kinagiliwan sa pag-aanunsyo ng mga numero sa BINGO!: "Buntis na may apat na anak"

Kilalang-kilala si Daniel sa kanyang mahusay na pagganap, pati na rin sa pagiging bahagi ng "KathNiel" love team kasama si Kathryn Bernardo, na may malaking base ng mga tagahanga. Subalit noong Nobyenbre 30, 2023, magkasunod na kinumpirma nina Daniel at Kathryn ang kanilang hiwalayan matapos ang mahigit 11 na taong relasyon bukod sa pagiging magka-love team.

Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, ibinahagi nito ang nakarating sa kanyang impormasyon na nagkaayos na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Paglilinaw din ng kanyang source, nagkaayos na ang kahulugan ay nagkakausap na ang dalawa subalit hindi ibig sabihin na nagkabalikan na rin ang KathNiel.

Smantala, balik telebisyon naman si Daniel Padilla na kabilang sa serye na Incognito. Kasama ni Daniel sa nasabing teleserye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, tambalang Anthony Jennings at Maris Racal gayundin si Richard Gutierrez. Sa ngayon, isa na ito sa pinakaabangang serye ng ABS-CBN na napapanood din sa Netflix.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: