Girlfriend ni Ricky Davao, nagbahagi ng madamdaming mensahe sa pagpanaw ng aktor
-Naglabas ng emosyonal na tribute ang girlfriend ni Ricky Davao na si Malca sa kanyang social media
-Ibinahagi niya ang kanilang mga pinagsamahan sa gitna ng laban ni Ricky kontra cancer
-Tinawag niyang "pinakamagandang desisyon" ang manatiling kasama si Ricky hanggang sa huli
-Umani ng suporta at pakikiramay mula sa mga netizens ang kanyang taos-pusong liham
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang madamdamin mensahe ng pag-ibig at pagluluksa ang ibinahagi ni Malca, nobya ng yumaong aktor at direktor na si Ricky Davao, sa isang madamdaming post sa social media.

Source: Instagram
Kasunod ng anunsyo ng pamilya tungkol sa pagpanaw ni Ricky, agad na naglabas ng kanyang saloobin si Malca, na naging katuwang ng aktor sa mahirap na laban nito sa cancer.
Sa kanyang Instagram, buong puso niyang inalala ang kanilang pinagsamahan:"You were the bravest and strongest person I have ever known. From the very beginning up to your last breath, I saw how fiercely you fought."
Nagbigay rin siya ng pasasalamat at pagmamahal kay Ricky sa bawat araw na magkasama sila. Ayon kay Malca, ang desisyong manatili sa tabi ni Ricky hanggang sa kanyang huling sandali ay ang "pinakamagandang desisyon" ng kanyang buhay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"The best decision I have ever made in my life was to be with you and never leave your side all throughout."
Ibinahagi rin niya kung gaano siya minahal ni Ricky, at kung paanong sa kabila ng kahinaan nito ay hindi nawawala ang pag-aalala sa kanya. "Are you tired na?" daw ang madalas itanong ni Ricky, at lagi siyang sinasagot ni Malca ng, "I will never get tired of taking care of you—because we are in this journey together."
Umantig sa puso ng marami ang kanyang pag-amin na "I lied when I told you I'd be okay. I lied when I said I'd be strong. Because the truth is, life doesn't feel right without you." Isa itong tapat na salamin ng lungkot ng isang naiwan ng taong pinakamamahal niya.
Dagdag pa niya, may puwang na iniwan si Ricky sa kanyang puso na kailanma’y hindi mapupunan: "There's an emptiness now that nothing can fill. And I miss you more than words will ever be able to express."
Maraming netizens ang nagpaabot ng suporta at pakikiramay, kabilang na ang ilang kasamahan sa industriya. Nagpakita sila ng paggalang sa pagmamahalan ng dalawa at sa lakas ng loob na ipinakita ni Malca sa panahon ng pagsubok.
Sino si Ricky Davao?Si Ricky Davao ay isa sa mga tinitingalang aktor at direktor sa showbiz. Sa loob ng higit apat na dekada, pinatunayan niya ang kanyang husay sa pagganap sa telebisyon, pelikula, at teatro. Ilan sa kanyang mga proyekto ay kinilala at pinarangalan ng mga prestihiyosong award-giving bodies.
Bilang ama, naging inspirasyon siya sa kanyang mga anak at tagasuporta. Kilala siya sa kanyang dedikasyon sa trabaho, mabuting pakikisama, at malalim na pagmamahal sa pamilya.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang emosyon sa pagkawala ni Ricky Davao at kung gaano niya nami-miss ang presensya ng kaibigan. Aniya, si Ricky ay hindi lang isang mahusay na aktor kundi isang taong maaasahan sa personal na buhay.
Samantala, emosyonal na inanunsyo ni Ara Davao, anak ni Ricky, ang pagpanaw ng kanyang ama sa pamamagitan ng isang heartfelt post sa social media. Inilarawan niya ang kanyang ama bilang isang haligi ng kanilang pamilya at isang tunay na mandirigma sa laban nito sa sakit.Basahin:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh