Mariel Rodriguez, dedma na sa bashers ni Robin Padilla dahil aniya ay alam nya ang totoo

Mariel Rodriguez, dedma na sa bashers ni Robin Padilla dahil aniya ay alam nya ang totoo

-Inamin ni Mariel Rodriguez na nasasaktan siya noon sa mga bashers ng asawang si Robin Padilla

-Apektado rin siya dati sa mga tanong tungkol sa kakayahan ni Robin bilang senador

-Ngayon ay mas pinipili na niyang huwag patulan ang mga negatibong komento at mag-focus sa katotohanan

-Para sa kanya, sapat nang patunay ang gawa ng mister kaysa makipagtalo sa publiko

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi maikakailang isa sa mga pinaka-vocal na misis sa showbiz si Mariel Rodriguez-Padilla pagdating sa pagsuporta sa kanyang mister na si Robin Padilla. Ngunit sa kabila ng kanyang matatag na paninindigan, inamin ni Mariel na dumaan din siya sa yugto ng pagiging “affected” sa mga batikos laban sa aktor-turned-senator.

Mariel Rodriguez, dedma na sa bashers ni Robin Padilla dahil aniya ay alam nya ang totoo
Mariel Rodriguez, dedma na sa bashers ni Robin Padilla dahil aniya ay alam nya ang totoo (📷Pops Fernandez/YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa vlog ni Pops Fernandez, ibinahagi ni Mariel na dati ay talagang nasasaktan siya kapag bina-bash si Robin. Lalo na raw kapag kinukuwestiyon ang kapasidad nito bilang lingkod bayan. Ngunit kalaunan, natutunan na lamang niyang hayaan ito at hindi na lang patulan ang mga komentong hindi naman daw batay sa katotohanan.

Read also

Jennica Garcia, humingi ng tulong para sa soundproofing: "Help this auntie"

Sa halip na pumatol sa mga nega, pinaniniwalaan na lamang niya na ang mga aksyon at resulta ng gawa ng kanyang mister ang siyang magsisilbing sagot sa lahat ng batikos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa rin sa mga ibinahaging detalye ni Mariel ay ang pagiging responsable at mapagkalingang asawa ni Robin. Ani niya, si Robin ang may hawak sa mga gastusin sa bahay at sa edukasyon ng kanilang mga anak. Bagama’t siya’y patuloy pa ring nagtatrabaho, nilinaw ni Mariel na ginagawa niya ito hindi dahil sa pangangailangan kundi upang matustusan ang sarili niyang “wants” o personal na kapritso.

Aminado rin si Mariel na kahit na minsan ay sinusorpresa siya ng kanyang mister sa mga espesyal na araw, hindi raw ito fan ng branded o luho. Hindi daw siya sinanay ni Robin sa ganoong bagay.

Hindi rin pinalampas ni Mariel ang isyung patuloy na kinukutya ang kanyang timbang. Ayon sa kanya, hindi na niya pinapansin ang mga ito dahil sa halip na madala ng negatibong opinyon, mas pinipili niyang i-celebrate ang kanyang kalusugan.

Read also

JV Ejercito, nilinaw na hindi kasama si Yanna sa viral road rage ride

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang kilalang TV host at aktres sa Pilipinas. Naging bahagi siya ng ilang malalaking variety shows at reality programs, at kilala sa kanyang animated at masiglang personalidad. Ikinasal siya kay Robin Padilla noong 2010 at may dalawa silang anak. Bukod sa pagiging full-time mom, aktibo rin siya sa pagba-vlog at online selling, bagay na lalong nagpapatunay sa kanyang pagiging hands-on at self-reliant.

Mariel Padilla, nagbahagi ng appreciation post sa pagiging present father ni Robin Padilla. Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Mariel kung paano binibigyang-halaga ni Robin ang pagiging ama kahit na abala ito sa Senado. Proud na proud siyang ipinakita ang moments ni Robin kasama ang kanilang mga anak.

Napansin ng netizens ang komento ni Mariel sa isang post ni Daniel Padilla kung saan ibinahagi nito ang kanyang itsura sa ABS-CBN Ball. Simpleng “Kalmado” lang ang komento ni Mariel, pero agad itong pinag-usapan sa social media dahil sa pagiging close ng kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate