Kiray Celis, engaged na sa boyfriend na si Stephan Estopia

Kiray Celis, engaged na sa boyfriend na si Stephan Estopia

- Ibinahagi ni Kiray Celis ang kanyang engagement kay Stephan Estopia sa isang beach proposal

- Makikita sa mga larawan ang engagement ring ni Kiray habang niyayakap si Stephan

- Matagal nang sinusuportahan ni Stephan ang aktres sa kanyang negosyo at personal na buhay

- Inamin ni Kiray na noon pa man ay gusto na siyang pakasalan ni Stephan kahit bago pa ang kanilang unang anibersaryo

Isang masayang balita ang ibinahagi ng Kapuso comedienne at aktres na si Kiray Celis sa kanyang social media accounts matapos siyang yayain ng kanyang long-time boyfriend na si Stephan Estopia na magpakasal sa isang romantic beach proposal.​

Kiray Celis, engaged na sa boyfriend na si Stephan Estopia
Kiray Celis, engaged na sa boyfriend na si Stephan Estopia (📷@kiraycelis/Instagram)
Source: Instagram

“She said YES!” ang masiglang caption ni Stephan sa kanilang engagement photos na kuha sa tabing-dagat. Suot naman ni Kiray ang isang simpleng beach dress habang kitang-kita sa kanyang mukha ang tuwa at kilig habang ipinapakita ang kanyang engagement ring.​

Hindi maikakaila ang lalim ng pagmamahalan ng dalawa. Sa maraming pagkakataon, ibinabahagi ni Kiray sa social media kung gaano niya pinahahalagahan si Stephan. "Thank you for loving me and my family, and for showing me what real love is," ani Kiray sa isa sa kanyang mga post para sa nobyo.​

Read also

Jaya, ibinida ang pictures nila ni Regine Velasquez sa pagbati nito sa kanyang birthday

Matatandaang noong Enero, sa isang panayam sa YouTube vlog ni MJ Marfori, sinabi ni Kiray na bago pa man nila maabot ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan ay tinanong na siya ni Stephan kung kailan siya handang magpakasal. “Actually sabi ko nga sa 5 years namin, bago pa kami mag-isang taon, tinatanong na niya ako... Totoo pala talaga 'yun, ganun kami,” ani Kiray.

Bagama’t noon ay inamin niyang hindi pa siya handa sa kasal, tila nagbago ang ihip ng hangin ngayong taon. “Siya po gustong-gusto na niya and I think kaya kong ibigay ang sagot this year, tingnan natin. Gugulatin ko na lang kayo,” pahayag pa niya noon. At sa wakas, dumating na nga ang inaabangan ng marami.

Bukod sa pagmamahal, pinatunayan din ni Stephan ang kanyang suporta kay Kiray sa pamamagitan ng pagtulak dito na pasukin ang pagnenegosyo. “Siya talaga nagpapalakas ng loob ko kasi hindi talaga ako business-minded pero mas okay pala talaga,” ani Kiray habang inaalala kung paano siya hinihikayat ni Stephan na magtayo ng sariling brand.​

Read also

“She said YES! ” – Kiray Celis, engaged na kay Stephan Estopia

Bumuhos ang pagbati para sa kanila hindi laman mula sa netizens kundi pati na rin mula sa mga kaibigan nila sa showbiz.

Si Kiray Celis ay isang aktres at komedyante na unang nakilala sa pamamagitan ng programang “Goin’ Bulilit” ng ABS-CBN. Lumaki siya sa harap ng kamera at naging bahagi ng iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala sa kanyang kakaibang galing sa pagpapatawa, nakamit ni Kiray ang respeto sa industriya hindi lamang bilang artista kundi bilang isang negosyante rin. Sa mga nakaraang taon, naging bukas siya sa kanyang relasyon kay Stephan Estopia, na naging inspirasyon at katuwang niya sa buhay.

Sa kanilang ika-limang anibersaryo, ibinahagi ni Kiray ang mga sweet surprises na inihanda ni Stephan para sa kanya, kabilang ang isang romantic dinner at head spa treatment.

Nagpahayag si Kiray ng kanyang pagmamahal at pasasalamat kay Stephan sa pamamagitan ng isang emosyonal na mensahe sa kanilang ika-limang anibersaryo bilang magkasintahan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate