Ate Gay nagpapasalamat sa career dahil kay Nora Aunor: Hindi siya maramot
-Nagpugay si Ate Gay kay Nora Aunor sa burol nito sa Heritage Park, Taguig City
-Ibinahagi ni Ate Gay ang malaking impluwensya ni Nora Aunor sa kanyang karera bilang komedyante at impersonator
-Inalala ni Ate Gay ang kabutihan at suporta ng Superstar sa kanya sa loob ng tatlong dekada
-Nag-viral ang isang netizen na nagkamaling bumati ng "Rest in peace" kay Ate Gay sa halip na kay Nora Aunor
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Lubos ang pasasalamat at pagdadalamhati ng komedyanteng si Ate Gay, o Gil Morales sa tunay na buhay, sa pagpanaw ng kanyang idolo at inspirasyon na si Nora Aunor. Personal siyang dumalo sa burol ng Superstar sa Heritage Park, Taguig City, upang magbigay-pugay at magpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat.

Source: Instagram
Sa panayam sa media sa labas ng chapel, hindi napigilan ni Ate Gay ang kanyang emosyon habang inaalala ang mga kontribusyon ni Nora Aunor sa kanyang buhay at karera. Ayon sa kanya, "Lahat ng malaking nangyari sa buhay ko, like sa MOA concert ko, guest ko siya. Kumbaga sinusuportahan niya mga gumagaya sa kanya."

Read also
Teacher na nanindigan laban sa pagpapahubad ng toga sa mga estudyante, nagpaunlak ng panayam
Aniya, gusto niya talaga si Nora talaga kaya nagpapasalamat siya. Aniya, naikot niya ang mundo dahil sa kanyang naging karera na pagpapatawa sa pamamagitan ng panggagaya sa Superstar.. Dagdag pa niya, hindi sila pinagbawalan nito at hindi naging maramot si Nora.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bilang isa sa mga kilalang impersonator ni Nora Aunor, kinilala ni Ate Gay ang kabutihan at suporta na ibinigay sa kanya ng Superstar sa loob ng halos tatlong dekada. Ibinahagi rin niya na si Nora Aunor ay hindi lamang isang idolo kundi isang inspirasyon sa pagiging mabuti sa kapwa at sa mga tagahanga.
Samantala, nag-viral sa social media ang isang netizen na nagkamaling bumati ng "Rest in peace" kay Ate Gay sa halip na kay Nora Aunor. Ni-repost ito ni Ate Gay sa kanyang Facebook account na may caption na, "Maliiiiiii juskoooo Po." Aniya, "Nagluluksa Ako dahil 3 dekada Kong bitbit Ang pangalang Nora Aunor sa pagiging Ate Gay ko…pero napatawa mo Ako, di ko alam kung pano mapapasaya tita mo."
Si Gil Morales, mas kilala bilang Ate Gay, ay isang kilalang stand-up comedian, singer, at impersonator sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang husay sa paggaya kay Nora Aunor, na naging daan upang makilala siya sa industriya ng showbiz. Taong 2012 nang magkaroon siya ng solo concert sa SM MOA Arena, kung saan naging panauhin pa niya si Nora Aunor. Bukod sa kanyang talento sa pagpapatawa, kilala rin si Ate Gay sa kanyang mga mash-up songs na kinagigiliwan ng marami.
Ate Gay, inalala ang naranasang pagsubok nang magkaroon ito ng kakaibang sakit sa balat. Noong Hulyo 2021, naging bukas si Ate Gay sa publiko tungkol sa naranasan niyang matinding pagsubok matapos magkaroon ng kakaibang sakit sa balat. Ibinahagi niya na ito ay naging sanhi ng matinding pangangati at panunuyo ng kanyang balat, na naging dahilan upang siya’y hindi makapagtrabaho nang maayos.
Ate Gay, emosyonal na nagpasalamat sa mga kapatid para sa kanyang ikalawang buhay. Naging emosyonal si Ate Gay nang magpasalamat siya sa kanyang mga kapatid na walang sawang sumuporta sa kanya, lalo na noong mga panahong siya ay halos mawalan ng pag-asa. Inilahad ng komedyante na ang kanyang mga kapatid ang tumulong sa kanya para makabangon muli at ipagpatuloy ang kanyang buhay at karera.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh