Sharlene San Pedro, nagsalita matapos ang viral video sa ABS-CBN Ball 2025

Sharlene San Pedro, nagsalita matapos ang viral video sa ABS-CBN Ball 2025

- Naging trending si Sharlene San Pedro matapos hindi makapagpa-picture sa isang fan sa ABS-CBN Ball 2025

- Ayon kay Sharlene, sumunod lamang siya sa patakaran na ipinagbabawal ang selfie sa entrance ng event

- Umani siya ng pambabatikos online ngunit nilinaw niyang hindi siya nasasaktan dahil hindi totoo ang paratang na siya’y masungit

- Nagpasalamat siya sa mga tagasuporta at kaibigang nagtatanggol sa kanya laban sa mga negatibong komento

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng kanyang saloobin si Sharlene San Pedro sa social media matapos siyang makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos mula sa ilang netizens. Ang mga negatibong komento ay nagsimula nang kumalat ang isang video kung saan makikitang tinanggihan niya ang hiling ng isang fan na magpa-picture sa entrance ng ABS-CBN Ball 2025.

Sharlene San Pedro, nagsalita matapos ang viral video sa ABS-CBN Ball 2025
Sharlene San Pedro, nagsalita matapos ang viral video sa ABS-CBN Ball 2025 (📷@sharlenesanpedro1/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Sharlene, sumunod lamang siya sa paalala na ibinigay sa kanila na ipinagbabawal ang pagse-selfie sa mismong entrance ng event. Sa kanyang post sa X (dating Twitter), sinabi ng aktres, “Uy viral pala ‘yung isang video ko sa facebook. sumunod lang naman ako sa sinabi sakin na bawal , parang kasalanan ko pa.”

Read also

Maricel Soriano, pinaliwanag ang dahilan kung bakit hirap sya maglakad

Sa nasabing video, mapapansin ang maayos at magiliw na tugon ni Sharlene sa fan nang sabihin niyang, “bawal eh.” Gayunpaman, marami ang tila hindi natuwa at agad siyang pinuna online. Umabot pa ito sa puntong tinag siya ng ilang galit na netizens at tinawag siyang “masungit” o may “attitude.”

Hindi naman ito ikinabahala ng aktres. Aniya, “Saka okay lang sakin masabihan ng masungit kasi hindi naman totoo so hindi ako nasasaktan. 🙊 and to set the record straight hindi ko po gusto ng atensyon that night.. umattend lang po ako.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga unang dumipensa kay Sharlene ay si BINI Gwen, miyembro ng rising P-pop girl group na BINI. Ayon kay Gwen, “Pag di ka pumayag magpicture matik attitude shempre,” na nagpapakita ng pagkadismaya sa mabilis na paghusga ng ilan sa mga tagahanga.

Dagdag pa ng isang netizen na nakapanood ng video, “Napanuod ko nga yun millions ang views, at alarming ng comments mostly ng kanegahan na comments, galing pa sa matatanda na ang quick mang judge Kaloka. Nanita ako ng matanda dun sila pa galit, opinion nya daw kasi yun.”

Read also

Mga taga-Minglanilla, Cebu, nabahala sa martsa ng mga nakaitim na Foreigners

Sa kabila ng ingay sa social media, nagpasalamat si Sharlene sa mga patuloy na nagtanggol sa kanya. “Salamat po sa mga nagtatanggol,” ang kanyang huling mensahe sa kanyang post, na nagmarka ng kanyang pasasalamat sa suporta ng kanyang fans at kaibigan.

Si Sharlene ay isa sa mga pinaka-pinuri sa ABS-CBN Ball ngayong taon matapos maglakad sa red carpet suot ang isang sparkling all-white gown na tumugma sa temang “Spring Formal.” Isinabay din ng aktres ang kanyang ika-26 na kaarawan, na kanyang ipinagdiwang noong Abril 5. Sa kanyang post, sinabi niya: “Went to the ABS-CBN Ball last night and turned 26 somewhere along the way.”

Si Sharlene San Pedro ay unang nakilala bilang child star sa “Star Circle Kid Quest” ng ABS-CBN at lumaki sa harap ng kamera sa mga programang “Goin’ Bulilit” at “Mga Anghel na Walang Langit.” Bukod sa kanyang acting career, isa rin siyang recording artist at streamer. Sa kanyang paglaki, naging simbolo siya ng isang artistang maingat at tapat sa kanyang propesyon—isang personalidad na pinipiling umiwas sa kontrobersiya.

Read also

Priscilla Meirelles, nabanggit na nakikipagbalikan si John Estrada sa kanya

Sharlene San Pedro purchases new car: 'Dos is here'

Sharlene San Pedro buys first car from savings as a gamer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate