Kobe ay Kyline, hiwalay na umano ayon sa source ni Ogie Diaz

Kobe ay Kyline, hiwalay na umano ayon sa source ni Ogie Diaz

- Hiwalay na umano ang basketball player na si Kobe Paras at aktres na si Kyline Alcantara

- Isa ito sa mga natalakay nina Ogie Diaz at kanyang mga kasama sa bagong episode ng Showbiz Update channel

- Nasabi rin ng source ang posible umanong dahilan ng hiwalayan

- Matatandaang naunang lumabas ang mga larawan nina Kobe at Kyline na magkasama noong 2024 bago nila tuluyang kumpirmahin ang kanilang relasyon

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, naikwento nito ang tungkol sa umano'y hiwalayan nina Kobe Paras at Kyline Alcantara.

KObe and Kyline
Kobe ay Kyline, hiwalay na umano ayon sa source ni Ogie Diaz
Source: Instagram

Matatandaang naging maugong ang usap-usapan kamakailan dahil bukod sa hindi na sila makitang madalas sa publiko, nagbura na rin umano ang mga ito ng kani-kanilang mga larawang magkasama sa socmed.

"May nagsabi lang naman sa akin na, yes! hiwalay na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras," ani Ogie.

Nalaman din umano niya ang dahilan nito na aniya'y sana ay hindi totoo.

Read also

Dennis Padilla, naikwentong nag-iiyak na tumawag ang anak na si Claudia ilang oras bago ang kasal

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ewan ko kung totoo ito, sana hindi totoo. Na may third party. Sabi lang sa akin ah, sana hindi totoo, kay Kobe Paras"

Gayunpaman, nananatili sa kanilang socmed ang ilang reels na may kaugnayan sa kanilang promotion. Paliwanag nina Ogie D at Mama Loi, hindi ito maaring basta burahin nina Kobe at Kyline dahil umano nakakontrata ang promo na kanilang ini-endorso.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mismo mula kina Kobe at Kyline ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Kobe Paras ay isang Filipino-American na basketball player na anak ng dating PBA player na si Benjie Paras. Nagsimula ang kanyang karera sa Pilipinas bilang miyembro ng Gilas Pilipinas at naglaro din sa iba't ibang liga sa Amerika at Japan. Kilala siya sa kanyang athleticism at pagiging versatile sa court.​

Si Kyline Alcantara naman ay isang aktres at singer na unang nakilala sa kanyang pagganap sa mga teleseryeng tulad ng "Kambal, Karibal" at "Shining Inheritance." Isa siyang talent ng GMA Network at kilala sa kanyang husay sa pag-arte at magandang boses.​ Naging kontrobersyal naman ang hiwalayan nila ng dating nobyo na si Mavi Legaspi, anak ng aktres na si Carmina Villaruel.

Read also

Marjorie Barretto, sinabing ‘terrorized’ ang mga anak nila kay Dennis Padilla

Noong 2024, naging usap-usapan ang relasyon nina Kobe at Kyline nang mag-viral ang mga larawan at video na magkasama sila. Kapansin-pansin kasi ang sweetness nila na sinasabi ng iba na "hindi pangkaibigan lang." Sa isang panayam, inamin ni Kobe na sila ay nagde-date, at sinabi niyang si Kyline ang kanyang "biggest crush" . Samantala, si Kyline ay nagbigay ng pahayag na si Kobe ay nagpapasaya sa kanya, ngunit hindi niya agad na kinumpirma ang kanilang relasyon. Kalaunan, nadadalas noon na makitang magkasama sila sa publiko man o sa mga kaganapan na may kaugnayan sa kanilang trabaho.

Samantala, kamakailan naman ay nakapanayam ni Ogie Diaz si Marjorie Barretto tungkol sa mga kaganapan sa naging kontrobersyal na kasala ng anak silang si Claudia. Una na ring nahingan ni Ogie Diaz si Dennis Padilla na may kalakip pa umanong mga pasabog at rebelasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica