Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"

Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!"

- Nagbigay pahayag na si Marjorie Barretto ukol sa dating asawa na si Dennis Padilla

- Ito ay matapos ang mga pahayag ni Dennis na naging bisita lamang umano siya sa kasal ng anak nilang si Claudia

- Sa Ogie Diaz Showbiz Update channel, nakapagbigay mensahe si Marjorie kay Dennis

- Pinabulaanan din nito ang mga sinasabi ni Dennis patungkol sa umano'y naganap sa kasal ni Claudia

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagkaroon ng pagkakataon si Ogie Diaz na makapanayam si Marjorie Barretto.

TikTok/@mindcl0uds
Marjorie Barretto: "The wedding is about the bride and the groom, it's not about you Dennis!" (TikTok/@mindcl0uds/ IG:@lucasbarretto)
Source: Instagram

Ito ay kaugnay sa kontrobersyal na post ni Dennis Padilla patungkol sa mga nangyari di umano sa kasal ng anak nilang si Claudia.

Ayon kay Ogie, pinabulaanan lahat ni Marjorie ang mga pasabog kamakailan ng dating asawa na labis na nagmarka sa publiko gayung patungkol ito sa espesyal na araw ng isa sa kanilang mga anak.

"The wedding is about the bride and the groom. It's not about you Dennis!" ang mensahe umano ni Marjorie kay Dennis ayon kay Ogie Diaz.

Read also

Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nilinaw din ni Marjorie na hindi niya bini-brainwash ang kanyang mga anak. At hindi rin niya pinaiiwas ito sa kanya.

"Sinabi ng aktres na hindi totoo lahat ng sinasabi ni Dennis Padilla. Nagpapaawa at nagpi-playing victim lamang daw ito," dagdag pa ni Ogie.

April 8 nang ikasal si Claudia Barretto sa kanyang long-time boyfriend na si Basti Lorenzo. Dinaluhan ito ng mga taong malalapit sa kanila at naging daan pa upang makasama muli nila ang amang si Dennis Padilla.

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto. Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Read also

Dennis Padilla, binahaging nakiusap si Claudine na makadalo sa kasal ng pamangkin

Gayunpaman, noong 2024 kung saan may bagong pelikula si Julia kasama si Aga Muhlach, nagsabi ng good luck si Dennis para sa anak. Katunayan, sa tuwing makakausap din siya ng press nang mga panahong iyon, isa siya sa nagpo-promote ng pelikula ng anak, bilang pagpapakita ng patuloy na pagsuporta niya sa career nito bilang isang mahusay na aktres ng kanyang henerasyon.

March 18 ng kasalukuyang taon nang maganap ang nakita ng publiko sa larawan nilang mag-aama. Marami na nga ang natuwa sa kanila dahil nagkasama-sama ulit ang mga ito na matagal nang inaasam ni Dennis. Iyon pala umano ang pagkakataong sinabi na ni Claudia ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang nobyo pa lamang noon na si Basti Lorenzo. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, mas naidetalye ni Dennis kung ano ba talaga ang pinaghugutan niya ng post na 'father of the bride' na naging visitor lamang. Ito umano ang naging hudyat ni Dennis para tuluyan nang wakasan ang ugnayan sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica