Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque

Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque

- Ibinahagi ng mommy ni Dominic Roque sa IG story ang bonding moments ni Sue Ramirez kasama ang pamilya Roque

-Masaya at kumportableng nakihalubilo si Sue sa pamilya ng aktor na tila tinanggap siya nang buong-buo

- Nagsimula ang ugnayan ng dalawa noong 2024 matapos ang mga sightings at kumpirmasyon ng kanilang dating status

- Pinaniniwalaang mas lumalalim pa ang relasyon nila ngayon, batay sa mga kilos at suporta ng kani-kanilang pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tila opisyal na ngang ipinakilala ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa kanyang mga magulang, matapos ibahagi ng ina ng aktor ang isang IG story kung saan makikita si Sue na masayang nakikibonding sa buong pamilya Roque.

Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque
Sue Ramirez, personal nang nakilala ar nakasama ang mga magulang ni Dominic Roque
Source: Instagram

Makikita sa naturang larawan ang aktres na nakaupo sa tabi ng mommy ni Dominic habang tila nagkukuwentuhan at nagkakatuwaan kasama ang iba pang kaanak. “Pasado na si Ate Girl,” ayon sa ilang netizens na nakasubaybay sa IG update ng pamilya Roque. May ilan ding nagsabing “grabe ang saya ng aura ni Sue, parang at home na at home.”

Read also

Video ng paghahatid ni Marjorie Barretto kay Claudia sa altar, viral

Matatandaang nagsimula ang espekulasyon sa pagitan ng dalawa noong Nobyembre 2024, nang mamataan silang magkasama sa Siargao. Kinumpirma naman ni Dominic noong Disyembre na sila ay nasa dating stage at masayang nagkikilala. Sa isang panayam, inamin din ni Sue na sila ay nagkikita at nag-eenjoy sa isa’t isa, ngunit pinili nilang panatilihing pribado ang ilang detalye ng kanilang relasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilang komento ng netizens:

"Grabe, ang sweet nila! Ang gaan ng aura ni Sue, parang ang sarap niyang maging ka-bonding!"
"Pasadong-pasado na kay mommy at daddy! Mukhang hindi lang pang-showbiz si Sue, pang-family din!"
"Nakikita ko na future wife material si Sue. Swak sa pamilya ni Dom!"
"Sana all ipinapakilala sa parents! Haha! Pero bagay talaga sila, parehong simple pero classy."
Ang ganda ng vibes ni Sue with Dom's family. Parang matagal na silang magkakakilala!"
"Mukhang may wedding bells na in the near future! Haha. Ang saya lang!"

Si Sue Anna Garina Dodd, o mas kilala bilang Sue Ramirez, ay isang aktres, modelo, at recording artist. Nakilala siya sa mga teleseryeng tulad ng Mula sa Puso, The Broken Marriage Vow, at A Family Affair. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, kilala rin si Sue sa kanyang pagiging outspoken at fun-loving personality na lalong hinahangaan ng kanyang fans. Bago maiugnay kay Dominic ay naging karelasyon niya si Javi Benitez.

Read also

Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet

Sa isang ulat mula sa Kami.com.ph, naging viral si Sue matapos siyang tanungin tungkol sa kanyang relasyon kay Dominic. Hindi siya nagpaikot-ikot at diretsahang sinabi na sila ay nagkikita at masaya sa isa’t isa. Ayon sa aktres, "Walang kyeme," at handa naman siyang aminin ang mga bagay basta't kaya nitong harapin ang publiko.

Samantala, sa isa pang ulat ng parehong news site, nagbigay ng kwelang reaksyon si Sue nang aminin ni Dominic sa media ang tungkol sa kanilang relasyon. “What’s new guys?” ang pabirong sagot ng aktres sa mga tanong ng press, na tila nagpapahiwatig ng pagiging komportable at confident niya sa estado ng kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate