Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet

Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet

- Sinagot ni Sharon Cuneta ang tanong ng netizen tungkol sa posibilidad na nagkasakit siya dahil sa pagdi-diyeta

- Inamin ng Megastar na nakaranas siya ng matinding pananakit ng tiyan at pagduduwal bago pa man sorpresahin ang anak na si KC Concepcion

- Humingi ng paumanhin si Sharon sa mga hindi niya nadaluhang aktibidad lalo na sa campaign rally ni Senador Kiko Pangilinan sa Bulacan

- Sinabi ni Sharon na normal ang kanyang blood test results at patuloy siyang nagpapahinga habang unti-unting bumabalik ang kanyang lakas

Sinagot ng Megastar na si Sharon Cuneta ang komentong dahil sa pagdi-diyeta ang kanyang pagkakasakit kamakailan. Ito ay matapos siyang tanungin ng isang netizen kung “over-diet” ba ang dahilan ng kanyang pagkakasama ng pakiramdam.

Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet
Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet (📷Sharon Cuneta/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang simpleng tugon, sinabi ni Sharon:

"Sana po di naman. Kakain na po!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet
Sharon Cuneta, sinagot ang komentong nasobrahan siya sa pagda-diet (📷Sharon Cuneta/Facebook)
Source: Facebook

Naglabas din ng mas detalyadong pahayag si Sharon sa social media upang humingi ng paumanhin sa mga hindi niya nadaluhang aktibidad, kabilang na ang kampanya ng kanyang asawa na si Senador Kiko Pangilinan sa Bulacan.

Read also

Grade 8 student na biktima ng bullying sa QC, dumulog sa RTIA

Ayon kay Sharon, handang-handa na sana siya noong araw ng campaign rally, ngunit inatake siya ng matinding pananakit ng tiyan at pagduduwal bago pa man siya umalis para sorpresahin ang anak niyang si KC Concepcion para sa kaarawan nito noong April 7.

Ani Sharon:

“Ang totoo po, nagkasakit po ako ng 'di ko pa po dinanas sa buong buhay ko... kahit po ganon, lumipad pa rin ako para makasama ang anak ko ng isang gabi man lang.”

Ngunit maging sa birthday dinner ni KC ay hindi na siya nakasalo dahil sa patuloy na pagduduwal. Pagbalik nila sa Maynila, hindi pa rin nawala ang sintomas kaya’t agad siyang nagpakuha ng dugo at handa na ring magpa-admit sa ospital.

Masuwerte raw na lumabas na normal ang kanyang mga resulta, kaya’t pinaiinom na lamang siya ng mga pampalakas tulad ng Pocari Sweat at Erceflora upang mapanumbalik ang lakas at maiwasan ang dehydration.

Read also

Vico Sotto, umani ng papuri sa paninindigan laban sa “Money Politics”

Patuloy pang kuwento ni Sharon, lugaw at saging lamang ang kanyang kinakain, at hindi pa siya bumabangon nang matagal dahil nakararamdam pa rin siya ng pagkahilo.

Bilang pagtatapos ng kanyang post, humingi si Sharon ng paumanhin sa mga sumuporta sa kampanya sa Bulacan:

“Ineexplain ko lang po dahil hiyang-hiya po ako sa inyong nagpunta sa Bulacan kahapon… pasensiya na po talaga. Maraming salamat po. Love you all.”

Dagdag pa ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan, mas mahalaga pa rin ang kalusugan ni Sharon kaysa sa anumang aktibidad.

Si Sharon Cuneta ay isang kilalang aktres, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Bilang anak ng dating alkalde ng Pasay na si Pablo Cuneta at ng aktres na si Helen Gamboa, lumaki siya sa isang pook ng sining at pulitika. Nagsimula ang kanyang karera sa musika noong 1978 at kalaunan ay pumasok sa pag-arte, kung saan nakamit niya ang iba't ibang parangal at titulong tulad ng "Megastar."

Read also

Buboy Villar, inamin ang bagong anak ng dating karelasyon na si Angillyn Gorens

Kamakailan ay pinakita ni Sharon ang mga regalong natanggap mula sa anak na si KC Concepcion, na nagbigay ng kasiyahan sa mga tagahanga. ​

Ibinahagi ni Sharon ang kanyang pananaw tungkol sa pagpapalaki sa anak at ang konsepto ng "investment plan" ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate