Kylie Padilla, aminadong nanghinayang sa kanyang Encantadia role
- Ibinahagi ni Kylie Padilla ang kanyang taos-pusong suporta sa transition ng kanyang Tita BB Gandanghari
- Sinabi ni Kylie na proud siya kay BB at na-inspire siya sa katapangan nitong maging totoo sa sarili
- Inamin ni BB na may takot siya noon sa magiging reaksyon ng kanyang mga pamangkin gaya ni Kylie
- Ikinatuwa ni BB ang mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya bilang si Tita BB
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinahagi ni Kylie Padilla ang mga personal niyang pinagdaanan habang nasa tuktok ng kanyang karera bilang si Sang'gre Amihan sa fantaseryeng Encantadia noong 2016.

Source: Instagram
Sa panayam ng aktres sa bagong episode ng BB. talk — ang online talkshow ng kanyang Tita BB Gandanghari — inamin niya na hindi naging madali ang kanyang landas, lalo na nang siya’y biglang mabuntis habang patuloy ang kasikatan ng programa.
Ayon kay Kylie, hindi naging paborito ng mga manonood ang kanyang karakter noong una pa lamang nagsisimula ang serye. “Actually, hindi siya. Natakot ako kasi may show ako na napakaganda and ang hirap din ng journey kasi when the show started, 'yung Encantadia, I was the most disliked Sang'gre. So, ginamit ko yun as fuel and umokay. I mean, I became one of the most favorite then 'nung nagbuntis ako so sabi ko parang sayang naman. It is a frustration,” pag-amin ng aktres.
Nang matanong tungkol sa kanyang reaksyon sa biglaang pagbubuntis, sagot ni Kylie, “I was scared." Nagbiro naman si BB na nakakatakot talaga dahil ama ni Kylie si Robin Padilla.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngayon ay nais ni Kylie na bumalik sa paggawa ng mga action projects at target niyang makabalik sa gym ngayong taon para muling mapalakas ang kanyang katawan. Buo rin ang suporta sa kanya ni BB Gandanghari na nagsabing, “I feel like you have so much potential na ayoko namang sabihin na nasayang because of your early marriage but it is what it is. So, you just have to keep doing what you need to do and get there no matter what."
Ang panganay na anak ni Kylie na si Alas Joaquin ay bunga ng kanyang dating relasyon sa aktor na si Aljur Abrenica. Taong 2021 nang tuluyang maghiwalay ang dalawa.
Si Kylie Nicole Sicangco Padilla ay isang kilalang aktres at modelo sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Enero 25, 1993, sa Calatagan, Batangas, bilang anak ng mga aktor na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco. Sa kanyang murang edad, nag-aral siya ng elementarya sa Queensland, Australia. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa telebisyon, partikular bilang Sang'gre Amihan sa seryeng "Encantadia" noong 2016. Ikinasal siya sa aktor na si Aljur Abrenica noong 2018, at biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Noong Hulyo 2021, kinumpirma ni Kylie ang kanilang paghihiwalay ni Aljur at ngayon ay nasa co-parenting setup para sa kanilang mga anak.
Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.
Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh