Kris Aquino, ibinahagi ang pagpapalit ng kanyang PICC Line

Kris Aquino, ibinahagi ang pagpapalit ng kanyang PICC Line

- Ibinahagi ni Kris Aquino ang pagpapalit ng kanyang PICC line sa Makati Medical Center at nilinaw niyang hindi siya isang diva na pasyente

- Inamin ni Kris na may siyam siyang autoimmune diseases at lima sa mga ito ay maaaring magdulot ng kamatayan

- Nagpasalamat si Kris sa mga kaibigan na nagpapadala ng pagkain na tumutulong sa kanyang paggaling tulad nina Anne Binay, Dr. Katcee, at Jessica Soho

- Ikinatuwa ni Kris na siya ay tumitimbang na ng 88 pounds at tinuring niya itong isang malaking tagumpay

Ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram ang kamakailang pagpapalit ng kanyang PICC line, kung saan nilinaw niyang hindi siya isang "diva" na pasyente. Ayon kay Kris, siya mismo ang nagtanong sa kanyang vascular surgeon na si Dr. James kung saan pinakamahusay na gawin ang pagpapalit ng PICC line, at pinili nila ang Makati Medical Center para sa operasyon.

Read also

Kris Aquino, nagpasalamat kay Dr. Mike Padlan: " I still hope your anger will lessen"

Kris Aquino, ibinahagi ang pagpapalit ng kanyang PICC Line
Kris Aquino, ibinahagi ang pagpapalit ng kanyang PICC Line (📷@krisaquino/Instagram)
Source: Instagram

Sinabi ni Kris na ang kanyang medical team ay lumaki na, at nagkaroon siya ng diagnosis ng siyam na autoimmune diseases, na lima sa mga ito ay maaaring magdulot ng kamatayan. Pinahayag ni Kris na mahirap itong tanggapin ngunit unti-unti niyang natututo na magtiwala sa kalooban ng Diyos at tanggapin ang mga pagsubok.

My medical team has grown because my diagnosed autoimmune diseases have now grown to 9. 5 of them can cause my death. That has been hard to process. But slowly i am learning to leave everything to God’s will because He knows best.

Ibinahagi rin ni Kris ang mga bagay na nakakatulong sa kanyang paggaling, tulad ng mga prublema sa pagkain na natulungan ng mga kaibigan. Nagpasalamat siya kay Anne Binay na nagpadala sa kanya ng turon at chocolate chip cookies, at kay Dr. Katcee na nakakita ng magagandang avocado. Binanggit din niya ang mga lingguhang mangoes na ipinapadala sa kanya ni Jessica Soho at ang mga pagkaing inihanda para sa kanya ni Chef Jessie.

Read also

Kris Aquino, ibinahagi ang paghingi ng paumanhin ni Ogie Diaz kay Dr. Mike Padlan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga pagsubok, nagpasalamat si Kris sa patuloy na mga biyaya at sinabi niyang ngayon ay tumitimbang na siya ng 88 pounds, isang tagumpay na ipinagpapasalamat niyang lahat.

​Si Kristina Bernadette "Kris" Cojuangco Aquino ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas, na tinaguriang "Queen of All Media" dahil sa kanyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media. Ipinanganak siya noong Pebrero 14, 1971, sa Quezon City, bilang bunsong anak nina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. Bukod sa pagiging host at aktres, kilala rin si Kris bilang isang negosyante at product endorser. ​

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kris ang kanyang kasalukuyang kalagayan sa kalusugan. Ibinunyag niya na dumating siya sa ibang bansa na may tatlong na-diagnose na kondisyon, at nadiskubre pa ang dalawa habang siya ay nagpapagamot doon. Naghihintay pa siya ng resulta para sa dalawa pang kondisyon.

Read also

Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya

Kamakailan ay muling isinapubliko ni Kris Aquino na mayroon na siyang siyam na autoimmune diseases at patuloy siyang dumaranas ng matinding kirot at panghihina. Inilahad niyang kabilang sa kanyang mga sakit ang Lupus, Systemic Sclerosis, at EGPA, ngunit nananatili siyang matatag para sa kanyang pamilya lalo na kay Bimby. Ibinahagi rin ni Kris na kasalukuyan siyang naninirahan sa isang hotel complex sa BGC upang mapanatili ang kanyang "safe zone bubble" at maiwasan ang impeksyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate