Ai-ai Delas Alas, kinumpirmang revoked na ang ng green card petition nya para kay Gerald

Ai-ai Delas Alas, kinumpirmang revoked na ang ng green card petition nya para kay Gerald

- Kinumpirma ni Ai-Ai Delas Alas na nabawi na ng USCIS ang petisyon niya para sa green card ng asawang si Gerald Sibayan

- Isa sa mga dahilan ng pagbawi ng petisyon ay ang natuklasang “third party” sa kanilang relasyon

- Hiniling din ni Ai-Ai sa USCIS ang pagbawi ng travel at work permit ni Gerald sa Amerika

- Plano rin ni Ai-Ai na maghain ng divorce matapos ang kanilang hiwalayan noong Oktubre 14, 2024

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ni Ai-Ai Delas Alas na awtomatikong nabawi na ng United States Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang kanyang Petition for Alien Relative para sa kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan. Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Ai-Ai sa mga sumusuporta sa kanya sa kabila ng sakit na kanyang pinagdaraanan.

Ai-ai Delas Alas, kinumpirmang revoked na ang ng green card petition nya para kay Gerald
Ai-ai Delas Alas, kinumpirmang revoked na ang ng green card petition nya para kay Gerald (📷@AiAi Delas Alas/Facebook)
Source: Facebook

“May mga nagtatanong pa din kung totoo ito... OPO totoo ito.. salamat sa mga sumuporta... ❤️❤️❤️❤️❤️,” ani Ai-Ai sa kanyang post. Ibinahagi rin niya kung paano siya kumapit sa Diyos upang malampasan ang pagsubok. “Through the darkest moments, when I felt abandoned and alone, God has been my constant source of strength and comfort. His grace has helped me cope with the pain, giving me the courage to keep going, one day at a time,” dagdag pa niya.

Read also

Liza Diño-Seguerra, nawalan ng mamahaling relo at laptop sa kanyang checked-in luggage sa NAIA

Ayon sa desisyon ng USCIS noong Marso 17, 2025, opisyal na nabawi ang petisyon ni Ai-Ai na inihain niya noong Hulyo 15, 2021, para maging permanenteng residente ng Amerika si Gerald.

Isa sa mga dahilan ng pagbawi ng petisyon ay ang natuklasang “third party” na sangkot umano sa kanilang relasyon. Bagama’t una nang sinabi ni Ai-Ai noong Nobyembre 2024 na hindi niya ipapa-revoke ang petisyon kahit naghiwalay na sila, nagbago ang kanyang desisyon matapos lumabas ang katotohanan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kabilang din sa mga hiniling ni Ai-Ai sa USCIS ang pagbawi ng travel at work permit ni Gerald sa Amerika. Dahil dito, mahihirapan nang makapagtrabaho sa Amerika si Gerald.

Plano rin ni Ai-Ai na maghain ng divorce matapos makipaghiwalay si Gerald sa kanya sa pamamagitan lamang ng Viber noong Oktubre 14, 2024. Ayon sa USCIS, wala nang maaaring apela sa desisyon ng ahensya maliban na lamang kung magsusumite ng motion to reopen or reconsider, na tila malabo na sa ngayon.

Read also

Ai-ai Delas Alas, umaming tinuring na maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald

Sa kabila ng lahat, nananatiling matatag si Ai-Ai habang patuloy siyang sumasandal sa kanyang pananampalataya at sa pagmamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Si Ai Ai delas Alas ay isang kilalang aktres, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat dahil sa kanyang mga iconic na pelikula tulad ng Ang Tanging Ina series. Bukod sa kanyang tagumpay sa industriya ng showbiz, kilala rin siya sa kanyang matibay na pananampalataya at pagiging bukas sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay. Pinakasalan niya ang mas batang si Gerald Sibayan noong 2017, ngunit kamakailan ay lumutang ang balitang nagkahiwalay na sila.

Dalawang buwan na ang nakalipas, sa isang panayam, diretsahang sinagot ni Ai-Ai delas Alas ang tanong kung nagkaroon na ba sila ng komunikasyon ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan. Ayon sa aktres, hindi siya direktang nakikipag-usap kay Gerald, bagkus ay idinadaan niya ito sa ibang tao tulad ng kanyang manugang.

Read also

USCIS, pinaboran ang pagbawi ni Ai Ai delas Alas sa petisyon para sa green card ni Gerald Sibayan

Nag-ugat ang tanong kung may galit nga ba si Cristy Fermin kay Ai Ai de las Alas matapos niyang madalas na punahin ang komedyana sa kanyang programa. Sa Cristy Ferminute, nilinaw ng beteranang columnist na wala siyang galit kay Ai Ai kundi lungkot ang kanyang tunay na nararamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate