Kim Chiu, pinasilip ang aniya'y 'Tiktoker era' ni Paulo Avelino
- Nag-trending sa TikTok ang video nina Kim Chiu at Paulo Avelino habang nagli-lip sync sa kantang "Price Tag" ni Jessie J
- Umani ito ng libo-libong views at likes mula sa mga fans na kinilig at natuwa sa kanilang nakakatuwang kulitan
- Kahit bihira mag-TikTok si Paulo, todo bigay siya sa pagsabay kay Kim at ramdam ang kanilang natural na chemistry
- Bukod sa kilig vibes ng video, ipinromote rin nila ang pelikulang "My Love Will Make You Disappear" na palabas na sa mga sinehan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
May bagong dahilan para kiligin ang mga KimPau fans! Pinasok na rin kasi ni Paulo Avelino ang mundo ng TikTok, at siyempre, hindi mawawala ang kanyang ka-tandem na si Kim Chiu sa nakakatuwang video na kanilang pinost.

Source: Instagram
Nagulat ang mga tagahanga nang biglang mag-upload si Kim ng isang makulit na TikTok video kung saan game na game silang dalawa ni Paulo habang nagli-lip sync sa kantang “Price Tag” ni Jessie J.
Hindi lang basta lip sync, may pa-props pang dala si Paulo at swak na swak ang kanilang galawan sa bawat linya ng kanta. Kitang-kita rin ang effortless na chemistry ng dalawa habang nagkakantahan, kaya naman agad itong nag-viral at umani ng libo-libong views at likes sa loob lamang ng ilang oras.
Kahit hindi sanay mag-TikTok si Paulo, tila napa-oo ito sa energy ni Kim, kaya’t hindi na kataka-takang nagbigay ito ng saya sa kanilang fans.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod sa nakakatuwang video, todo-promote rin si Kim sa kanilang bagong pelikula na “My Love Will Make You Disappear,” na kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan worldwide. Sa kanyang caption, game si Kim na sinabing, “#PauloAvelino tiktoker era!!!! Para sa #MyLoveWillMakeYouDisappear please do watch po! Showing worldwide na!!!! Kita kits sa sinehan.”
Hindi talaga matatawaran ang hatid na kilig at good vibes ng KimPau sa kanilang mga tagahanga. Mapa-pelikula man o TikTok video, palaging nauuwi sa kulitan at kilig moments ang kanilang collaboration. Dahil dito, maraming fans ang humihiling na sana’y mas marami pang ganitong content mula kina Kim at Paulo.
Kung ganito naman ka-cute at kasaya ang kanilang mga ganap, siguradong walang reklamo ang KimPau nation! Abangan ang mas marami pang nakakakilig na videos at updates mula sa kanilang dalawa!
Si Kimberly Sue Yap Chiu, mas kilala bilang Kim Chiu, ay isinilang noong Abril 19, 1990, sa Cebu City, Pilipinas. Siya ang pang-apat sa limang magkakapatid na anak nina William Chiu, isang negosyanteng Tsino mula sa Mindoro, at Louella Yap-Chiu, isang Filipina na may lahing Chinese.
Kamakailan, naging usap-usapan ang buwis-buhay na performance ni Kim Chiu sa segment na "Magpasikat" ng programang "It's Showtime." Sa kanyang madamdaming post, ibinahagi ni Kim ang kanyang pasasalamat sa suporta ng kanyang team at mga tagahanga. Maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa dedikasyon at husay na ipinakita ni Kim sa kanyang pagtatanghal.
Sa pagtatapos ng taong 2024, nag-reflect si Kim Chiu sa mga biyayang kanyang natanggap sa buong taon. Sa isang post, ipinahayag niya ang kanyang labis na pasasalamat sa mga oportunidad at pagmamahal na kanyang naranasan. Maraming tagahanga ang natuwa sa positibong pananaw ni Kim at nagpaabot ng kanilang suporta para sa darating na taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh