Zeinab Harake, may sa kanilang magiging wedding guests: "Yun gift nire-request namin"
- Ibinunyag ni Zeinab Harake na ikakasal sila ni Ray Parks Jr. ngayong taon sa isang outdoor Christian wedding sa Pilipinas
- Magpapatupad sila ng “no phone policy” sa kanilang kasal upang mapanatili ang privacy ng okasyon
- Si Zeinab mismo ang nag-aasikaso ng bawat detalye ng kanilang kasal, kabilang na ang prenup shoot at wedding preparations
- Aminado si Zeinab na nakararamdam siya ng pressure sa pagsusulat ng wedding vows lalo’t maganda ang proposal ni Ray sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inihayag ng internet star na si Zeinab Harake nitong Miyerkules na nakatakda na silang magpakasal ng basketball player na si Ray Parks Jr. sa isang outdoor Christian wedding dito sa Pilipinas sa huling bahagi ng taon.

Source: Instagram
“Within the year. Dapat abroad kaso nahihirapan ako ililipad ko pa anak ko. Best advice, magpakasal muna kami tapos saka ayusin. Para at least dalawa na kayo, 'di ka na single mom,” pahayag ni Zeinab sa isang panayam sa OKBet’s “Ok to be Empowered Together” event sa Taguig City, kung saan isa siya sa mga naging tagapagsalita.
Ayon kay Zeinab, ang kanilang desisyon na magpakasal ay nakatuon sa pagpaparangal sa Diyos at hindi dahil nagmamadali silang magkaanak. “Pagmamahalan namin ni Ray [is] about honoring God. Kaya gusto namin magpakasal. Hindi dahil nagmamadali kami magka-anak. Madami pa kami gusto i-build sa future namin, 'di kami nagmamadali,” dagdag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Para mapanatiling pribado ang kanilang kasal, sinabi ni Zeinab na magpapatupad sila ng mahigpit na “no phone policy” para sa kanilang mga bisita. “Gusto ko lang private time. Maroon ako pina-plan for my wedding, sana before malabas ng mga tao, official muna. Nag-order kami ziplock for phone. Gusto lahat kasi gusto namin official. Sana bigyan lang kami time,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, ang kanilang tanging hiling sa kanilang mga bisita ay respeto sa kanilang privacy sa espesyal na araw na iyon. “Yun gift nire-request namin. Privacy lang. Gusto ko presence. Labas ang social media sa araw ng kasal gusto ko presence ng mga nagmamahal sa amin,” saad pa ng influencer.

Read also
Kakai Bautista sa mga nangungulit kung kelan sya magpapakasal: “Ikaw nakaisip, ikaw gumawa!”
Ibinahagi rin ni Zeinab na siya mismo ang nag-aasikaso ng bawat detalye ng kanilang kasal, mula sa seremonya hanggang sa prenup shoot. “Kausap ko na video team, ngayon pa lang nagdi-direct na ako,” ani Zeinab, na aminadong hands-on bride.
Bukod dito, ikinuwento rin niya na magpaplano pa sila ng isa pang prenup photoshoot, pero sa isang lokal na lugar dito sa Pilipinas. Nauna nang ginawa ng magkasintahan ang kanilang prenup shoot sa Japan.
Aminado rin si Zeinab na nakararamdam siya ng pressure sa pagsusulat ng kanilang wedding vows, lalo’t maganda ang proposal sa kanya ni Ray na sinimulan pa sa isang Bible verse. “Doon ako na-prepressure sa vows. Kasi ang galing ng proposal sakin. Sinimulan tayo sa Bible verse! English talaga! Sabi ko 'pwede wag mo solohin wedding vow mo. Pwede may papel?' Ang talino kasi ni Daddy Ray. Isa sa na-in love ako. Smart man talaga,” biro pa niya.

Read also
Ruffa Gutierrez, nagbahagi ng mensahe tungkol sa past: "Place to learn from, not to live in"
Sa kabila ng mga paghahanda, tiniyak ni Zeinab na gagawin niya ang lahat upang makapagbigay ng magandang alaala mula sa kanilang kasal. “Ako kasi nag-edit. Kasi noon may supplier naglabas ng proposal. Umiyak ako. Natataranta ako kasi gusto ko habulin. Ayoko gano'ng pressure. Sana magawa ko with all my love doon sa passion ko,” paliwanag niya.
Abala na ngayon si Zeinab sa mga huling paghahanda para sa kanilang nalalapit na kasal, na tiyak na magiging makabuluhan at puno ng pagmamahal.
Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.
Ayon kay Zeinab, si Donnalyn Bartolome ang pinakamatalino sa kanilang DoLaiNab. Aminado siyang mas maraming alam sa mga bagay-bagay si Donna kung ikukumpara sa kanila ni Jelai Andres. Isa naman daw siya sa mga lutang sa Team Zebby kasama ang dalawa pa nilang kasama. Ito ang ilan lamang sa mga sagot ni Zeinab sa kanyang bagong video na namedrop challenge.
Samantala, naghayag ng kanyang suporta si Zeinab sa kaibigang si Awra Briguela. Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya matapos kumalat ang video ng pagkakasangkot niya sa isang rambol. Ani Zeinab, si Awra ay isang kaibigan na sobrang mapagmahal na handang gumawa ng mga bagay-bagay para sa kanyang pagmamahal sa kaibigan. Aniya, hindi din nila iiwan si Awra at ipaglalaban din nila si Awra bilang mga totoong kaibigan nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh