John Estrada, proud daddy sa kanyang mga anak na sina Kaila at Anechka

John Estrada, proud daddy sa kanyang mga anak na sina Kaila at Anechka

- Ipinahayag ni John Estrada ang kanyang pagmamalaki sa mga anak na sina Kaila at Anechka sa isang Instagram post

- Magkasamang dumalo sina John Estrada at Priscilla Meirelles sa ika-13 kaarawan ni Anechka, na muling nagpakita ng kanilang pagiging cordial

- Nilinaw ni Priscilla na sila ni John ay civil at nakatuon sa maayos na co-parenting para sa kapakanan ng kanilang anak

- Inamin ni John na nais niyang lumaki si Anechka na katulad ng kanyang ina dahil sa pagiging mabuting tao nito

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinahayag ng aktor na si John Estrada ang kanyang labis na pagmamalaki sa kanyang mga anak na sina Kaila at Anechka sa pamamagitan ng isang Instagram post kamakailan. “My Constant Reminder that I did Good in this World… The Loves of My Life,” ani John sa caption ng mga larawan nilang mag-aama na kanyang ibinahagi sa social media.

John Estrada, proud daddy sa kanyang mga anak na sina Kaila at Anechka
John Estrada, proud daddy sa kanyang mga anak na sina Kaila at Anechka (📷@johnestrada_/Instagram)
Source: Instagram

Samantala, muling naging usap-usapan ang estado ng relasyon nina John Estrada at Priscilla Meirelles matapos silang magkasama sa ika-13 kaarawan ni Anechka. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng walong buwan na nagbahagi si Priscilla ng mga larawan kung saan kasama rin si John sa parehong frame. Huling nangyari ito noong Hunyo 2024, sa school recognition day ni Anechka.

Read also

Angillyn Gorens: "I saved your reputation by not telling my side of the story"

Noong Nobyembre 2024, kapwa dumalo sina John at Priscilla sa isang school activity ng kanilang única hija, ngunit hindi sila nagpa-picture nang magkasama. Ngunit sa kaarawan ni Anechka, mas naging cordial ang dalawa, dahilan upang magtanong ang ilang netizens kung nagkabalikan na ba sila. “Okay na sila?” tanong ng ilan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang nilinaw ni Priscilla Meirelles na kasal pa rin sila ng kanyang asawang si John Estrada sa kabila ng mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon. Sa panayam niya nitong Biyernes sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niyang legal pa rin ang kanilang pagsasama ngunit hindi niya sinagot kung magkasama pa rin sila sa iisang bahay.

"Legally, we’re still married," pahayag ni Priscilla.

Nagbigay rin siya ng reaksiyon hinggil sa naging pahayag ni John noong Hulyo 2024 kung saan sinabi nitong nagkasundo silang magpahinga muna sa kanilang relasyon. Ayon kay Priscilla, hindi niya alam ang tungkol dito.

"I don’t know, maybe kung nag-decide siya sa side niya na take a break," aniya.

Read also

Heart Evangelista, proud na proud sa pagtatapos ng High School ni Quino

Sa kabila ng mga isyung kinakaharap, tiniyak ni Priscilla na siya ay nasa maayos na estado ngayon at mas pinagtutuunan ng pansin ang sarili.

Nang tanungin kung ipinaglalaban pa niya ang kanilang pagsasama ni John, sinabi niyang nasa punto na siya ng kanyang buhay kung saan inuuna na niya ang sarili.

"I’m in a point in my life that [ipinaglalaban] ko ‘yung sarili ko," aniya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sariling kaligayahan at kapayapaan ng isip.

Matatandaang ikinasal sina John at Priscilla noong 2011 at biniyayaan ng isang anak na si Samantha Anechka noong 2012. Sa parehong panayam, ibinahagi rin ni Priscilla ang kanyang payo sa anak na ngayon ay 13 taong gulang na.

"‘Yung sasabihin ko kay Anechka, palagi actually po, is that she needs to love herself. After God, it’s her," aniya.

Dagdag pa niya, laging ipinaaalala niya sa anak na tiyakin ang kanyang mga hangganan at mga pamantayan sa buhay, at huwag kalimutang ipahayag ang kanyang mga inaasahan sa ibang tao.

Read also

Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista, sweet na magkasama sa birthday party ni Kai

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: