Kakai Bautista sa mga nangungulit kung kelan sya magpapakasal: “Ikaw nakaisip, ikaw gumawa!”
- Ibinahagi ni Kakai Bautista na lagi niyang dinadaan sa biro ang mga tanong kung kailan siya magpapakasal at magkakaanak
- Sinabi niyang palagi niyang sinasagot ng “Ikaw nakaisip, ikaw gumawa” ang mga nangungulit sa kanya tungkol sa buhay pag-ibig
- Ayon kay Kakai, kahit noon ay pinagsasabihan siya ng kanyang ina na huwag makipagrelasyon pero ngayon ay tila hinahanapan na siya ng jowa
- Mas pinipili ngayon ni Kakai na unahin ang sarili at ang kanyang career kaysa pumasok sa isang relasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Palaban at diretsahan ang naging sagot ng komedyanteng si Kakai Bautista sa tuwing tinatanong siya kung kailan siya magpapakasal o magkakaanak. Sa isang candid na panayam, ibinahagi ni Kakai kung paano niya dinadaan sa biro ang pangungulit ng iba tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at pagpapamilya.

Source: Youtube
“‘Kelan ka mag-aasawa?’ Sabi ko, ‘Ikaw nakaisip, ikaw gumawa!’ Sabi ko, ‘Ang dami-dami mo nga anak hindi mo maasikaso, ta’s sasabihin mo pa magkaanak ako? Bakit pag-aaralin mo?’” ani Kakai na may halong tawa habang natawa na rin sina Tuesday Vargas at Buboy Villar, ang mga hosts ng 'Your Honor.'
Hindi rin nakaligtas ang kanyang ina sa kanyang masayang kwento. Ayon kay Kakai, tila nagbago ang pananaw ng kanyang ina pagdating sa kanyang love life. “’Yung nanay ko dati, ‘Anak, eme eme…’ Sabi ko, ‘Nu’ng dati ang dami kong jowa, lagi mo ako sinasabihan na huwag ako magjowa. Ngayon wala akong jowa, hahanapan mo ‘ko?’” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aminado naman si Kakai na mas pinipili niyang unahin muna ang sarili at ang kanyang showbiz career kaysa pumasok sa isang relasyon. “Hindi ko naman minamadali. Ang importante, masaya ako ngayon,” aniya.
Samantala, maraming netizens ang natuwa sa pagiging prangka at positibong pananaw ng komedyante. May ilan ding sumang-ayon sa kanyang pahayag at nagpahayag ng suporta sa kanyang desisyon na unahin muna ang kanyang sariling kapakanan.
Si Kakai Bautista ay isang kilalang Filipino comedienne, singer, at aktres. Nakilala siya sa kanyang natatanging talento sa pagpapatawa at husay sa pag-arte, lalo na sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagiging isang mahusay na performer, kilala rin si Kakai sa kanyang pagiging totoo at masayahing personalidad. Isa rin siyang inspirasyon sa maraming Pilipino dahil sa kanyang dedikasyon bilang breadwinner ng kanyang pamilya.
Kamakailan lang ay nagbigay ng saya si Kakai Bautista sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay sa social media. Noong Marso 31, nag-upload si Kakai ng bagong reel sa Instagram na nagpapakita ng selebrasyon ng kaarawan ni Kathryn Bernardo. Sa mga larawan at video, makikitang masaya si Kathryn kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi na nakapagtataka na ang post ni Kakai ay nakatanggap ng positibong reaksyon at mga komento mula sa netizens.
Kamakailan lang ay nagbahagi si Kakai ng isang nakakaantig na mensahe para kay Kathryn Bernardo. Sa pamamagitan ng isang reel na in-upload niya sa Instagram, ibinahagi ni Kakai ang masasayang kaganapan sa kaarawan ni Kathryn. Maraming netizens ang nagbigay ng positibong komento tungkol sa tunay na pagkakaibigan nina Kakai at Kathryn. Ngunit, napansin din ng mga netizens ang reaksyon ni Mommy Min Bernardo sa naturang post ni Kakai.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh