Kristel Fulgar at fiancé na si Ha Su-hyuk, abala na sa paghahanda para sa kanilang kasal

Kristel Fulgar at fiancé na si Ha Su-hyuk, abala na sa paghahanda para sa kanilang kasal

- Nagpunta sina Kristel Fulgar at Ha Su-hyuk sa wedding fair para pagplanuhan ang kanilang kasal

- Ibinahagi sa vlog ni Kristel ang pagpili ng suit para kay Su-hyuk at paghahanap ng perpektong wedding rings

- Nahanap nila ang wedding hall na paborito ni Kristel dahil sa magandang venue at masarap na pagkain

- Naipakilala na ni Kristel si Su-hyuk sa kanyang pamilya kasama na ang kanyang kapatid at iba pang kamag-anak

Abala na ang aktres at content creator na si Kristel Fulgar at ang kanyang Korean fiancé na si Ha Su-hyuk sa kanilang wedding preparations matapos nilang dumalo kamakailan sa isang wedding fair upang planuhin ang kanilang malaking araw.

Kristel Fulgar at fiancé na si Ha Su-hyuk, abala na sa paghahanda para sa kanilang kasal
Kristel Fulgar at fiancé na si Ha Su-hyuk, abala na sa paghahanda para sa kanilang kasal (📷KrisTells Vlogs)
Source: Youtube

Sa kanyang pinakabagong YouTube vlog, ibinahagi ni Kristel ang ilang highlights ng kanilang wedding planning journey — mula sa pagpili ng suit para kay Su-hyuk hanggang sa paghanap ng photography studio para sa kanilang prenup shoot.

"They were helping us to choose a suit for the groom," ani Kristel habang pinipili nila ni Su-hyuk ang tamang tela para sa wedding attire ng groom. Bukod dito, sinubukan din ng magkasintahan ang iba’t ibang wedding bands upang tiyaking makahanap ng perpektong singsing na sumisimbolo sa kanilang pag-iisang dibdib.

Read also

Sarah Balabagan Sereno, sinagot si Arnold Clavio dahil sa komento tungkol sa "prayer rally"

Maliban sa wedding fair, bumisita rin sina Kristel at Su-hyuk sa isang wedding hall na lubhang nagustuhan ng aktres. Ibinahagi niya na ito rin ang lugar kung saan nagpakasal kamakailan ang isa sa kanyang malalapit na kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Magi-inquire kami kasi parang nagustuhan ko 'yung place at 'yung food din masarap," ani Kristel habang pinapakita ang venue sa kanyang vlog.

Agad namang umani ng papuri at paghanga mula sa fans ang vlog ni Kristel.

"I really admire how your fiancé is so involved in the wedding planning but still makes sure to value and consider your opinions," ani ng isang tagahanga.

"Ohh my Kristel, the wedding bells are coming soon na ba... Congratulations sa inyong dalawa. God bless you both and guide you in every path of your way," dagdag pa ng isa.

Matatandaang noong Pebrero, inanunsyo ni Kristel ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang vlog. Sa emosyonal na proposal, sinabi ni Su-hyuk:

Read also

Kim Chiu, naiyak sa kanyang mall show kasunod ng kontrobersyal na "dasurv" issue

"Actually, I didn’t prepare a speech because I know as soon as I see your face I already know what I want to say. I always knew that my baba will be the last woman I would love… If it weren’t because of you, I wouldn’t know how I would live."

Dagdag pa niya, "You will be my last love… You will be the only one I want to love forever. Also, I want to have a happy family with you."

Noong Pebrero rin, ibinahagi ni Kristel sa kanyang vlog na nagpunta si Su-hyuk sa Pilipinas upang makilala ang pamilya niya. Kasama si Allan, kapatid ni Kristel, at ang kanyang pamilya na bumiyahe mula sa ibang bansa para sa isang bakasyon. Nagkaroon din ng pagkakataon si Su-hyuk na makilala hindi lamang si Allan kundi pati ang lola, tiyahin, pamangkin, at sister-in-law ni Kristel.

"My brother is finally meeting Su-hyuk," masayang ibinahagi ni Kristel sa kanyang vlog, na tila nagmarka ng isang matagal nang hinihintay na tagpo.

Read also

VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

Sa kabila ng kanilang abalang schedule, masayang ipinahayag ni Kristel ang kanyang damdamin sa muling pagsasama-sama ng kanyang pamilya. "My heart overflows with joy as I watch my loved ones gathered together," ani niya.

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe, at Bagito.

Matatandaang pinahayag ni Kristel ang kasiyahan sa piling ng Koreanong si Suhyuk Ha, na una niyang ipinakilala sa kanyang mga vlogs bilang kanyang manliligaw. Sa isang Instagram post, binahagi ni Kristel ang kanilang litrato at sinabing nagpapasalamat siya sa Diyos na nakilala niya ito.

Binahagi ni Kristel ang kanyang kwento ng pag-ibig sa boyfriend niyang si Ha Su-Hyuk sa isang kamakailang vlog. Sa kabila ng pagiging late bloomer pagdating sa mga romantikong relasyon, masaya niyang ibinahagi ang kanyang bagong yugto ng buhay na ikinatuwa ng marami niyang tagahanga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate