Jelai Andres, may binuking tungkol sa girlfriend ni Buboy Villar
- Ibinunyag ni Jelai Andres ang pangalan ng girlfriend ni Buboy Villar sa upcoming episode ng ‘Your Honor’ ngayong Sabado ng gabi
- Binanggit ni Buboy Villar na bago siya mahalin ng kanyang karelasyon, kailangan munang mahalin nito ang kanyang dalawang anak
- Ipinagmamalaki ni Buboy na mahal na mahal ng kanyang kasalukuyang karelasyon hindi lang siya kundi pati ang kanyang mga anak
- Magkakaroon ng espesyal na birthday session ang Vice Chair ng ‘Your Honor’ kung saan makiki-celebrate din si Jelai Andres
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isa na namang mainit na episode ang dapat abangan sa ‘Your Honor’ ngayong Sabado ng gabi matapos ang pasabog na teaser kung saan ibinunyag ni Jelai Andres ang pangalan ng girlfriend ng kanyang BFF na si Buboy Villar.

Source: Instagram
Sa teaser ng YouLOL Originals vodcast, makikitang makiki-celebrate si Jelai sa espesyal na birthday session ng Vice Chair ng show. Bukod dito, magkakaroon din ng kilig revelation ang co-host ni Tuesday Vargas tungkol sa kanyang relasyon.
Sa nasabing teaser, binanggit ni Buboy Villar, na kilala bilang isa sa mga Bubble Gang stars, ang kanyang hiling bago mahalin ng kanyang karelasyon. Aniya, “Number one rule ko talaga, bago mo ako mahalin gusto ko lang sana maintindihan mo 'yung sitwasyon ko.”
Binanggit din niya na bahagi ng kanyang kondisyon ay ang pagmamahal ng kanyang karelasyon sa kanyang dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael. “Meron akong dalawang anak at kailangan mas mahal mo sila. Kasi sila ang buhay ko. Ngayon, 'pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako,” diin ni Buboy.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Proud din si Buboy Villar sa pagmamahal at pag-aalaga ng kanyang karelasyon hindi lang sa kanya kundi pati sa kanyang mga anak. “Talagang sobrang blessed ako sa kaniya. Proud ako sa karelasyon ko, proud ako na mahal niya kami ng mga anak ko,” dagdag pa niya.
Dahil sa teaser na ito, maraming netizens ang na-excite at nagtatanong kung sino nga ba ang girlfriend ni Buboy Villar na binanggit ni Jelai. Abangan ang buong detalye ng nakakakilig na kwento sa ‘Your Honor’
Buboy Villar ay isang kilalang aktor, komedyante, at TV host sa Pilipinas na sumikat sa pagganap niya bilang Apolinario Mabini sa pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Nagsimula siya sa showbiz bilang child actor at naging bahagi ng “Little Big Star” noong 2006. Nakilala rin siya sa mga teleserye at comedy shows tulad ng “Dyesebel” at “Bubble Gang.” Siya ay may dalawang anak, sina Vlanz Karollyn at George Michael, mula sa kanyang dating partner na si Angillyn Serrano Gorens. Sa kasalukuyan, masaya si Buboy sa kanyang bagong karelasyon na tinuturing niyang mahalaga hindi lamang para sa kanya kundi pati sa kanyang mga anak. Patuloy niyang pinapasaya ang kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang talento sa pag-arte at pagpapatawa.
Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.
Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh