David Licauco, inaming umabot sa P50 M ang kita mula sa showbiz at negosyo
- Ibinunyag ni David Licauco na umabot sa P50 milyon ang pinakamataas na kita niya sa loob ng isang taon mula sa pag-aartista at negosyo
- Inamin niyang ini-invest niya ang lahat ng kanyang kita mula sa showbiz patungo sa kanyang mga negosyo
- Kabilang sa kanyang mga pag-aari ang ilang sangay ng "Kuya Korea" at "Sobra Cafe"
- Nakatakda siyang magbalik-pelikula sa "Samahan ng mga Makasalanan" na ipapalabas sa Abril 19
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ibinunyag ng aktor at negosyanteng si David Licauco na umabot umano sa humigit-kumulang P50 milyon ang pinakamataas na kita niya sa loob ng isang taon mula sa kanyang pag-aartista at mga negosyo.

Source: Instagram
Sa pinakabagong vlog ng "Iskul of Dizcarte" (IOD) sa TikTok, tinanong si David tungkol sa pinakamalaking kita niya sa isang taon mula sa kanyang mga negosyo at karera sa showbiz. Bago sumagot, pinaunahan muna niya ng hula ang host. Una, hinulaan ng host na P10 milyon, ngunit sinabi ni David na "mas mataas siguro." Nang hulaan naman ng host na P30 milyon, sumagot si David ng "mas mataas pa rin." Sa huling hula ng host na P50 milyon, sumagot si David ng, "Somewhere there."
Sa parehong panayam, sinabi rin ni David na sinusubukan niyang i-invest ang lahat ng kita niya mula sa showbiz patungo sa kanyang mga negosyo. Aniya, "Reckless ako when it comes to investing. I think I'm in a stage of my life where calculated risk."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kilala si David bilang may-ari ng ilang sangay ng "Kuya Korea" at "Sobra Cafe." Kamakailan, napanood siya sa GMA Prime series na "Pulang Araw" at nakatakdang magbalik-pelikula sa "Samahan ng mga Makasalanan" na ipapalabas sa mga sinehan sa Abril 19.
Si David Licauco ay isang Filipino actor, model, at negosyante na sumikat sa kanyang pagganap bilang Fidel sa teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" ng GMA Network. Bukod sa tagumpay niya sa showbiz, nakilala rin siya bilang isang matagumpay na entrepreneur na may-ari ng mga food businesses tulad ng "Kuya Korea" at "Sobra Cafe." Kamakailan, inamin ni David na umabot na sa P50 milyon ang pinakamataas na kita niya sa loob ng isang taon mula sa kanyang pag-aartista at negosyo. Kilala rin siya sa pagiging fitness enthusiast at patuloy na nagsusulong ng healthy lifestyle sa social media, habang pinapalawak ang kanyang career sa pag-arte at negosyo.
Kamakailan lamang ay nagbahagi si David Licauco ng kanyang opinyon tungkol sa "three-month rule." Natanong ang Kapuso actor tungkol sa nasabing dating rule habang nasa isang livestream para sa kanyang bagong negosyo na coffee shop. Sa kanyang sagot, inamin ng tinaguriang "Pambansang Ginoo" kung naniniwala ba siya sa naturang alituntunin. Ipinaliwanag pa niya ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang malalim na pag-unawa tungkol sa proseso ng paghilom.
Nagkaroon ng masayang guest appearance si David Licauco sa episode ng “It’s Showtime” . Lumahok ang "Pambansang Ginoo" sa segment na “And The Breadwinner Is” kung saan sinubukan niyang hulaan kung sino sa mga contestant ang breadwinner na choreographer. Habang nasa segment, tinanong ni David ang isa sa mga kalahok, “Pwede bang ligawan ng choreographer ‘yung mga estudyante?” Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon si Vice Ganda na biruin si David at tanungin tungkol sa kanyang "leading lady," na ikinapula umano ng tenga ng aktor.
Source: KAMI.com.gh