Sofia Andres, sumagot sa komento ng netizen:"Who said I’m not married?"
- Nagulat ang publiko sa tila pag-amin ni Sofia Andres na kasal na siya kay Daniel Miranda
- Sa Instagram post, isinulat ni Sofia ang "Celebrating love with you" na nagdulot ng komento mula sa netizen
- Agad na sinagot ni Sofia ang tanong ng netizen, "Wait, who said I’m not married? [eyes emoji]"
- Sampung taon nang magkasintahan sina Sofia at Daniel at nabiyayaan ng anak na si Zoe noong 2019
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Marami ang nagulat sa tila pag-amin ng aktres na si Sofia Andres na kasal na umano siya sa kanyang long-time boyfriend na si Daniel Miranda, na ama ng kanilang anak na si Zoe.

Source: Instagram
Sa isang Instagram post kung saan makikita ang sweet na larawan nila ni Daniel para sa isang luxury brand, isinulat ni Sofia ang caption na, “Celebrating love with you.” Isang netizen ang nagkomento, “Sana pakasalan ka na [kasi] you deserve to be married in church.”
Agad namang sinagot ito ni Sofia ng, “Wait, who said I’m not married? [eyes emoji],” na nagdulot ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa ilang tagasuporta ng aktres, dapat irespeto ng publiko ang kanilang privacy at huwag nang pakialaman ang personal na desisyon ng magkasintahan.
Matatandaang noong nakaraang taon, sinabi ni Sofia na papasok lamang siya sa kasal “in God’s time” at binigyang-diin na hindi palaging sukatan ng tagumpay ng isang relasyon ang kasal. “Kasi married o hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga. Kasi may married na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman,” ani Sofia.
Matatandaang marami ang naintriga sa pag-like ni Sofia Andres sa komento ng netizens sa kanyang post sa Instagram. Makikita sa kanyang post ang pictures nila ng kanyang partner na si Daniel Miranda. Ilang netizens ang nagtanong kung ang mga pictures nilang ito ay prenup photos daw ba. Dahil dito ay may napapaisip na posible ngang hindi pa lang inaanunsiyo nina Sofia ang balak na pagpapakasal.
Sampung taon nang magkasintahan sina Sofia at Daniel at nabiyayaan ng anak na si Zoe noong 2019.
Si Sofia Andres ay isang kilalang aktres at modelo sa Pilipinas. Siya ay unang sumikat sa kanyang pagganap sa mga teleserye ng ABS-CBN tulad ng "Forevermore", "Pusong Ligaw", at "Bagani." Bukod sa kanyang talento sa pag-arte, kilala rin siya bilang isang influencer at brand ambassador.
Si Sofia ay karelasyon ng race car driver na si Daniel Miranda, at mayroon silang isang anak na babae na si Zoe Natalia.
Nagbahagi si Sofia Andres sa Instagram kamakailan ng larawan ng kanyang painting. Ayon sa caption ng aktres, napakarami niyang ideya ngunit hindi sapat ang kanyang mga canvas. Ibinahagi rin niya ang ilan sa mga paborito niyang likhang sining tulad ng mga mata, buwan, aura, mga anghel, at marami pang iba. Ayon kay Sofia, kailangan niya ng mas maraming kaibigang artist na makakatulong upang mapaunlad ang kanyang kakayahan sa pagpipinta.
Sinalubong ni Sofia Andres ang Bagong Taon kasama ang pamilya ng kanyang partner na si Daniel Miranda. Sa isang larawan na ibinahagi sa social media, makikita si Sofia na nakapose kasama ang pamilya na tila isang family picture. Batay sa geotag, kuha ang family portrait sa Paris, France, kung saan posibleng doon nila sinalubong ang taong 2025. Makikita rin sa ibang larawan na may mga miyembro ng pamilya na nagpa-picture nang solo sa naturang okasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh