Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya

Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya

- Humingi ng dispensa ang netizen na si Wilson Mapa Taganile Jr. kay Kim Chiu matapos akusahan ang aktres ng paninira kay dating Pangulong Rodrigo Duterte

- Nilinaw ni Kim Chiu na bahagi lamang ng kanyang script sa It's Showtime ang salitang "DESERVE" at walang kinalaman sa isyu ng dating pangulo

- Nanawagan si Kim Chiu na magdasal na lamang para sa kapayapaan at iwasan ang pagpapakalat ng fake news sa social media

- Mariing itinanggi ni Kim Chiu na may kinalaman siya sa anumang isyung politikal na ikinakabit sa kanyang pahayag

Naglabas ng pahayag si Kim Chiu kaugnay sa isang netizen na nag-akusa sa kanya ng paninira umano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pamamagitan ng social media, diretsahang sinagot ng Kapamilya actress ang naturang netizen na si Wilson Mapa Taganile Jr., na kalaunan ay humingi ng dispensa kay Kim.

Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya
Kim Chiu, sumagot matapos humingi ng dispensa ng isang netizen sa kanya (📷@chinitaprincess/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Kim, bago maniwala sa mga kumakalat na fake news, mahalagang alamin muna ang buong konteksto ng kanyang sinabi. "My piece. Please read full context bago maniwala sa FAKE NEWS na pinapakalat dito sa Facebook lalo na yang si Mang Wilson Mapa Taganile Jr. Sir, wag po kayo mandamay sa nanahimik na tao. May God bless you and your family and your peace of mind. 🤍🙏🏻 Magdasal na lang po tayo para sa kapayapaan ng lahat," ani Kim sa kanyang post.

Read also

Netizen, humingi ng dispensa kay Kim Chiu: "Kala ko po si Tatay Digs pinatamaan mo"

Matatandaang nag-viral ang salitang "DESERVE" na sinabi ni Kim sa noontime show na It's Showtime, na napagkamalan ng ilang netizens na patama kay dating Pangulong Duterte. Nilinaw ng aktres na bahagi lamang ito ng kanyang script at walang kinalaman sa isyu ng dating pangulo. Sa huli, tinanggap naman ni Kim ang paghingi ng paumanhin ni Taganile at nanawagan ng pagkakaisa at kapayapaan sa lahat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasunod nito ay humingi ng paumanhin ang netizen na si Wilson Mapa Taganile Jr. kay Kim Chiu matapos akusahan ang aktres na pinatamaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inamin ni Taganile na naudyukan lamang siya ng kanyang asawa na nagbiro na si Kim Chiu ay nagpaparinig kay Duterte.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Read also

Sen. Bong Go, ibinahagi ang video ng pananghalian ni FPRRD sa loob ng eroplano

Nag-viral ang video ni Kim Chiu na nagpapa-Feng Shui sa isang store habang tinutukoy ang isang taong "Year of the Dragon". Nabunyag ng mga netizen na si Paulo Avelino ang tinutukoy ni Kim matapos niyang banggitin ang petsang "May 13" Tila iniisa-isa ni Kim ang lahat ng aspeto ng relasyon nila ni Paulo na nagdulot ng kilig sa fans ng tambalang KimPau Labis ang tuwa ng supporters sa social media, na umaasa sa soft launch ng kanilang relasyon.

Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang Chinese New Year sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa kanyang team at production staff ng ABS-CBN. Ibinahagi niya sa isang Instagram post kung paano naging mahalaga sa kanyang pamilya ang pagdiriwang ng Chinese New Year noong kanyang kabataan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: