Jennica Garcia, inaming nagrebelde sa Diyos dahil sa pinagdaanan
- Inamin ni Jennica Garcia na nagrebelde siya sa Diyos matapos ang matitinding pagsubok na kanyang pinagdaanan
- Ibinahagi niyang labis ang kanyang galit noon at tumigil pa siya sa pagsisimba kasama ang kanyang mga anak
- Sinabi ng aktres na bumalik na siya sa simbahan at muling lumalalim ang kanyang pananampalataya
- Ayon kay Jennica, natutunan niyang may pagkakataong maituwid ang pagkakamali at mahalaga ang pagsisimula muli
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naging bukas si Jennica Garcia sa kanyang matinding pagsubok sa buhay at inamin na dumating siya sa puntong nagrebelde siya sa Panginoong Diyos.

Source: Instagram
Sa panayam sa radio program na "Banana Krew" sa 92.3 FM Radio, diretsahan niyang sinabi na may pagkakataong nagalit siya sa Diyos dahil sa kanyang pinagdaanan.
"I rebeled against the Lord," ani Jennica sa mga host ng programa na sina DJ Jhai Ho at DJ Kim Churva. Ayon sa aktres, naitama na niya ang pagkakamaling ito pagpasok ng 2025.

Read also
Ashley Ortega, nag-open kay Ivana tungkol sa ina: "Three years na kaming hindi nakapag-usap"
Sa kasalukuyan, napapanood si Jennica sa Kapamilya series na "Saving Grace." Sa kanyang pahayag, ibinahagi niyang dumaan siya sa isang yugto ng kanyang buhay kung saan labis siyang nagtanim ng galit sa Diyos.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"There was a season in my life that I was so mad at God talaga. Na-realize ko ngayon na nakapag-move na ako from it na naging self-righteous pala ako, Jhai," ani Jennica.
Dagdag pa niya, "Parang sinasabi ko kay Lord na, saan, saang part ako nagkamali? I followed you to the dot, how could you do this to me?"
Dahil dito, tumigil siya sa pagsisimba, at pati ang kanyang dalawang anak mula sa dating asawang si Alwyn Uytingco ay hindi na rin nakakasimba noon.
Ngayon, masaya niyang ibinalitang maayos na muli ang relasyon niya sa Diyos at bumalik na siya sa simbahan. "It’s just nice to be around fellow believers. It’s so nice to be back in church," saad ng aktres.
Sa huli, ibinahagi ni Jennica ang kanyang natutunan mula sa mga pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. "Lahat ng pagkakamali ay may pagkakataong maituwid. Ang mahahalaga, nagsisimula ka sa hakbang ngayon."
Si Jennica Garcia ay isang Filipina actress, host, at content creator. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia. Una siyang nakilala sa GMA Network, kung saan lumabas siya sa iba't ibang teleserye at programa, kabilang ang Gagambino, Jejemom, at Koreana.
Bukod sa kanyang acting career, naging bahagi rin siya ng ilang parenting vlogs at online content, lalo na matapos siyang maging hands-on mom sa kanyang mga anak. Matapos ang ilang taong pananahimik sa industriya, bumalik siya sa pag-arte at naging usap-usapan ang kanyang epektibong pagganap bilang kontra-bida sa Saving Grace.
Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.
Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh