Jojo Mendrez at Rainier Castillo, naispatang magkasama
- Pinag-uusapan ngayon sina Jojo Mendrez at Rainier Castillo matapos lumabas ang mga litrato nilang magkasama sa isang hotelcasino
- Lumakas ang espekulasyon ng netizens kung sino kina Mark Herras at Rainier Castillo ang mas espesyal sa Revival King
- Itinanggi noon nina Jojo at Mark na may relasyon sila at iginiit na nagkalapit lamang sila dahil sa kanilang musical collaboration
- Wala pang opisyal na pahayag sina Jojo at Rainier tungkol sa isyu ngunit patuloy na inaabangan ng fans ang kanilang reaksyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapos ang isyung kinasangkutan nina Jojo Mendrez at Mark Herras, isang bagong tsismis na naman ang umiikot tungkol sa tinaguriang Revival King at sa kanyang matalik na kaibigan na si Rainier Castillo. Umani ng espikulasyon matapos mapansin na si Rainier na raw ang madalas na kasa-kasama ni Jojo sa kanyang mga lakad at gimikan.

Source: Facebook
Matatandaan na sina Mark Herras at Rainier Castillo ay parehong produkto ng unang season ng StarStruck ng GMA-7. Si Mark ang itinanghal na Ultimate Male Survivor, samantalang si Jennylyn Mercado naman ang Ultimate Female Survivor. Samantala, si Rainier ay isa rin sa mga naging paborito ng manonood noong panahong iyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kamakailan, umugong ang isyu na may namamagitan umano kina Mark at Jojo matapos maispatan ang dalawa sa isang hotelcasino. Nagdagdag pa ng kulay sa tsismis ang biglaang pagdalo ni Mark sa presscon at single launch ni Jojo kung saan may dalang bulaklak ang aktor. Ngunit mariing itinanggi ng dalawa na may relasyon sila at iginiit na nagkalapit lamang sila dahil sa kanilang collab para sa kantang "Somewhere In My Past."
Ngunit hindi pa man humuhupa ang isyu kay Mark, lumitaw naman ang mga larawan nina Jojo at Rainier na kuha sa isang hotelcasino—parehong lugar kung saan unang naispatan si Jojo at Mark. Ang nasabing mga litrato ay kumalat sa isang Facebook page na may caption na: “BREAKING NEWS: Fake pala ang relasyon ni Jojo Mendrez at Mark Herras! Lumabas na ang totoo! Pinagloloko nyo kami. Marami kaming nakakita!”
Bukod dito, isang reaction video rin ang ginawa ni Rainier para sa bagong kanta ni Jojo na “Nandito Lang Ako,” na makikita sa Facebook page ng Revival King. Dahil dito, lalong lumakas ang espekulasyon kung sino nga ba kina Mark at Rainier ang mas espesyal kay Jojo.
Dahil sa mga naglalabasang espekulasyon, maraming netizens ang nagtatanong kung sino nga ba talaga ang tunay na ‘apple of the eye’ ni Jojo Mendrez. Para kanino nga ba ang mga kantang "Nandito Lang Ako" at "Somewhere In My Past"—para kay Mark Herras ba o kay Rainier Castillo?
Si Rainier Castillo ay isang Filipino actor at singer na unang sumikat matapos sumali sa unang season ng StarStruck noong 2003, isang reality-based artista search ng GMA-7. Siya ay naging isa sa mga finalists at nakilala dahil sa kanyang kakaibang ngiti at matinee idol appeal. Isa sa kanyang trademark ay ang "kilay-smirk" o pag-angat ng kilay habang nakangiti, na naging tatak niya sa industriya.
Matatandaang tuluyang sinagot ni “Revival King” Jojo Mendrez ang mga espekulasyon tungkol sa kaniya at sa actor-dancer na si Mark Herras, matapos itong pag-usapan sa social media.
Nilinaw ng actor-dancer na si Mark Herras ang kanyang naging pagdalo sa contract signing event ng The Revival King na si Jojo Mendrez sa Star Music PH. Matatandaang nagbigay si Mark ng bulaklak kay Jojo sa naturang event, dahilan upang magdulot ng iba't ibang spekulasyon sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh