Ogie D sa viral video ng paglapit ng matanda kay Willie: "Basta bahala kayo humusga"

Ogie D sa viral video ng paglapit ng matanda kay Willie: "Basta bahala kayo humusga"

- Nagbigay reaksyon si Ogie Diaz sa viral video kamakailan kung saan lumalapit ang isang matanda kay Willie Revillame

- Makikita kasi sa video ang reaksyon ni Willie nang papalapit sa kanya ang matanda na may dalang sampaguita

- Ayon kay Ogie, hahayaan niya umano ang publiko na humusga sa eksenang ito

- Gayunpaman, nagbigay din siya ng mga posibleng nagawa sana ni Willie sa sitwasyong iyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isa sa mga natalakay ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang Showbiz Update channel ay ang kumakalat ngayong video kung saan makikita ang reaksyon ni Willie Revillame sa isang matandang papalapit sa kanya.

Sa naturang video, makikita na sa halip na hintayin ang matandang tila isang sampaguita vendor na mapapansin ding hirap nang maglakad, umalis na agad si Willie.

"Basta bahala na kayong humusga," bungad ni Ogie Diaz matapos na ipakita rin sa kanyang channel ang nasabing viral video.

"Kasi iba't iba ang interpretasyon diyan ng mga tao. I'm sure. O baka naman ang sabihin e, galit ka lang kay Willie. Hindi po. Kayo na po ang bahalang magkaroon ng sarili niyong opinyon tungkol diyan. pero pinabigyan naman niya ng t-shirt yung matanda. Sinabi niya, bigyan mo ng t-shirt."

Read also

Derek Ramsay, ibinida ang pagbisita ng matalik na kaibigan nila ni Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö

Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas mainam pa rin sana kung nagawa ni Willie na maglaan ng kaunting segundo sa matandang nais sana siyang mayakap o kahit na malapitan man lamang.

"Pero alam mo, ako ha, ibang klase pag kinamayan mo ang mga tao. Mare-remeber nila hanggang pag-uwi nila ng bahay kinamayan ako ni Willie Revillame, inakbayan ako ni Willie Revillame, binigyan ako ng t-shirt ni Willie Revillame. Tapos ay! nakita ko 'yung matanda tinulungan ni Willie Revillame. Wala siyang pakialam kung may nakatutok na camera pero tinulungan ni Willie Revillame."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

RB Chanco sa muling pag-makeup kay Kris: "The Kris we all love and miss is still here"

Samantala, matapos na iwan ang GMA 7 kung saan napapanood ang programa niyang Wowowin, minsan nang naging bahagi si Willie ng ALL TV Network subalit hindi nagtagal, nagsara na rin agad ito. Abril ng 2023 tuluyan na ring pina-terminate ni Willie ang kontrata niya sa nasabing network na pagma-may-ari ng mga Villar. Ito umano ay dahil sa tuloy ang pasahod sa kanya kahit hindi sumasa-ere ang kanyang programa. Aniya, hindi siya papayag sa ganoong sitwasyon gayung pakiramdam niya'y pabigat lamang siya sa nasabing istasyon.

Matatandaan din na pansumandali siyang napanood sa programang 'Wil to Win' sa TV5 kung saan umere ang programa hanggang Pebrero. Matapos ito, bibigyang daan naman ang kampanya ni Kuya Wil sa pagtakbo nito sa pagka-senador. Naging kontrobersyal din ang naging panayam sa kanya ng The Big Story ng One PH kung saan nausisa siya ni

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica