Robi Domingo, dumulog sa NBI matapos makatanggap ng banta mula sa isang netizen

Robi Domingo, dumulog sa NBI matapos makatanggap ng banta mula sa isang netizen

- Dumulog sa NBI ang Kapamilya host na si Robi Domingo upang kumonsulta sa proseso ng paghahain ng reklamo laban sa isang netizen na nagbigay ng banta sa kanya

- Agad niyang tinanong kung maaari niyang isaalang-alang bilang isang banta ang natanggap niyang komento at kung may legal na aksyon siyang maaaring gawin

- Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon, kung saan may ilan ang sumang-ayon na dapat niyang ituloy ang pagsasampa ng reklamo

- Kasabay nito, nananatili siyang positibo at nakatuon sa kanyang bagong proyekto bilang host ng "Pilipinas Got Talent"

Nagpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Kapamilya host na si Robi Domingo upang kumonsulta sa proseso ng paghahain ng reklamo matapos makatanggap ng umano’y banta mula sa isang netizen. Sa kanyang Instagram post, nag-iwan siya ng mensahe na, "Remember, every action has consequences, whether online or offline. Let's be kind and take responsibility."

Robi Domingo, dumulog sa NBI matapos makatanggap ng banta mula sa isang netizen
Robi Domingo, dumulog sa NBI matapos makatanggap ng banta mula sa isang netizen (@iamrobidomingo/Instagram)
Source: Instagram

Hindi pinalampas ng TV host ang isang komento mula sa netizen na nagbigay ng babala sa kanya kaugnay ng pagpapareha sa mga lokal na artista. Kamakailan, masaya niyang inanunsyo sa kanyang Instagram account na magiging bahagi siya ng "Pilipinas Got Talent," isang programang matagal na niyang hinahangaan.

Read also

Jeraldine Blackman, umalma sa espikulasyong 'for content' lang ang paghihiwalay nila ng asawa

"From being a fan to now being part of this legendary show—what a dream come true! Honored to be here alongside an amazing team. Pilipinas, let’s celebrate talent like never before. The stage is set!" ani Robi sa kanyang post.

Gayunpaman, isang netizen ang nagbigay ng matapang na komento sa kanyang post:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready ang solid supporters ni Belle Mariano na i-bash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO I-TOLERATE yung KA-LANDIAN ng p*ste mong kaibigan."

Dahil dito, agad namang tumugon si Robi at tinanong kung maaari na ba niyang isaalang-alang ito bilang isang banta at kung may legal na aksyon siyang maaaring gawin laban dito.

"Can I consider this as a threat? Can I take legal action against this? I don't tolerate this behavior," saad ng Kapamilya host.

Dahil sa insidenteng ito, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon. May ilan na sumang-ayon sa posibleng pagsasampa ng reklamo ni Robi laban sa nasabing netizen.

Read also

Alden Richards, nagbahagi ng 'food for thought': "Mind your own business"

"For me, dapat lang na i-demanda, yun iba talaga sumusobra eh," ani ng isang netizen.

"Nadadamay pa tuloy yung ibang fans na supportive lang of their individual endeavors," dagdag naman ng isa.

Samantala, naging usap-usapan din online ang "Pilipinas Got Talent" matapos ipahayag ang mga opisyal na hurado nito. Kabilang sa mga judges ang beteranong entertainment executive na si Freddie 'FMG' Garcia, aktor at singer na si Donny Pangilinan, komedyanteng si Eugene Domingo, at aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa kabila ng kontrobersiya, nananatiling positibo si Robi Domingo at patuloy ang kanyang pag-abante sa kanyang karera bilang isang TV host.

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Read also

TJ Monterde, hindi na-isecure sa naging tagumpay ni KZ: "Grabe 'yung assurance niya"

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: