Kris Aquino, dumalo sa isang public event; ikinatuwa ng marami
- Dumalo sa isang public event ang nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino
- Ito ay para suportahan ang kanyang kaibigang designer na si Michael Leyva
- Ito ang kauna-unahang pagharap muli ni Kris sa publiko mula nang siya ay magpagamot sa ibang bansa sa loob ng ilang taon
- Marami ang natuwa nang makitang bumubuti na talaga ang kalagayan niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas na muli sa publiko ang tinaguriang Queen of All media na si Kris Aquino.

Source: Facebook
Sa larawang ibinahagi ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, makikita si Kris sa event ng Stargate PeopleAsia ngayong Pebrero 25.
Dumalo si Kris sa nasabing pagtitipon bilang pagsuporta sa kanyang kaibigang si Michael Leyva na awardee sa gabing iyon.
Sinamahan siya ng kanyang bunsong anak na si Bimby gayundin ang isang doktor at tatlong nurses upang masigurong may aagapay sa kanya sa paglabas niyang itong sa publiko.

Read also
Katrina Halili, proud sa mga achievements ng anak na si Katie sa kabila ng kanyang kondisyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang natuwa nang makita si Kris na tila bumubuti na umano ang kalagayan.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Thank God you look strong and beautiful. Praying for your fast healing. Take care Kris."
"Thank you Lord for continuous healing of Ms. Kris. God bless you always Ms. Kris"
"Talk show na ulit Ms. Kris. Kahit YouTube channel lang po. We miss you"
"This is a good sign. Sana tuloy-tuloy na po ang paggaling niyo Miss Kris Aquino"
"Ingat pa rin po Ma'am Kris. Pero natutuwa kaming makita ka na malakas na"
Samantala, narito ang iba pang mga larawan ni Kris sa nsabing event na ibinahagi rin ng News5:
Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.
Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.
Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.
Matatandaang sa kanyang social media post, minsang pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.
Sa isang episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, nabanggit niyang marami umanong mga faith healers ang kumokontak sa kanya at nais na makatulong umano sa kalagayan ni Kris Aquino. Gayunpaman, sinabi ni Ogie na mas lamang pa rin umano ang direktang pananampalataya ni Kris at nagtitiwala umano sa gamutang isinasagawa sa kanya ngayon.
Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh