Mavy Legaspi, hindi apektado sa bashers matapos isapubliko na isa siya sa PBB hosts
- Hindi naapektuhan si Mavy Legaspi sa mga negatibong komento matapos ang anunsyo na isa siya sa mga bagong host ng Pinoy Big Brother
- Ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa oportunidad at sinabing handa siyang matuto mula sa mga beteranong host ng programa
- Tiniyak niya sa kanyang mga tagasuporta na pagbubutihin niya ang kanyang pagho-host at tatanggapin ang anumang constructive criticism
- Iginiit niyang hindi siya papatinag sa mga bashers at mas pipiliin niyang mag-focus sa kanyang bagong role bilang host
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi natinag si Mavy Legaspi sa mga natanggap niyang pambabatikos matapos ianunsyo na isa siya sa mga bagong host ng Pinoy Big Brother (PBB). Sa kabila ng mga negatibong komento, ipinahayag ng aktor at TV host na mas pinili niyang ituon ang pansin sa kanyang pagpapabuti bilang isang host.

Source: Instagram
Sa kanyang social media post, ipinahayag ni Mavy ang kanyang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya. Aniya, "Kapuso Royal Tropa ni Kuya. Thank you, Lord! I can't wait to meet the housemates. Can't wait to learn from the amazing PBB hosts. I won't let any of you down. Ready to host."

Source: Instagram
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Source: Instagram
Samantala, sa isa pa niyang mensahe, pinasalamatan niya ang mga tagasuporta at sinabing bukas siya sa anumang constructive criticism upang mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho bilang host. "Thank you for all the love & support guys. It's honestly so overwhelming. I'll do my very best. I'll take any constructive criticism moving forward and utilize it to become a better host."
Bagamat aminado siyang may natatanggap na negatibong komento, hindi aniya ito makakaapekto sa kanya. "All the extra noise is just unnecessary, I suggest you keep it to yourself cause it doesn't work on me. All love. Love, your newest PBB Host, Maverick," aniya pa.
Sa kabila ng mga puna, patuloy na pinapalakas si Mavy ng kanyang fans, pamilya, at mga kaibigan sa industriya. Masaya rin ang kanyang supporters sa bagong milestone na ito sa kanyang karera, na nagpapatunay ng kanyang kakayahan bilang isang host sa isa sa pinakasikat na reality shows sa bansa.
Si Mavy Legaspi ay isang aktor, TV host, at commercial model sa Pilipinas. Anak siya ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, at kakambal ni Cassy Legaspi. Nakilala siya bilang isa sa mga Sparkle artists ng GMA Network at lumabas sa ilang teleserye tulad ng I Left My Heart in Sorsogon at Royal Blood.
Nagbahagi ng mensahe si Mavy Legaspi lalo na para sa staff at crew ng Tahanang Pinakamasaya. Sa kanyang post ay nagbigay-pugay siya sa mga staff at crew na aniya ay nagpapakahirap araw-araw.
Naging emosyonal ang TV host-actress na si Carmina Villarroel dahil sa nakakaantig na Mother's Day message sa kanya ng anak niyang si Mavy. Ito ay sa bagong episode ng programang 'Sarap, 'Di ba?' na kung saan si Carmina ang host. Nabanggit ni Mavy sa kanyang mensahe ang tungol sa mga negatibong komento sa kanyang ina . Aniya, hindi naman nakikita ng mga tao kung ano'ng laman ng puso ng kanyang mama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh