Jennica Garcia, binahaging nakalipat na sa mas malaking bahay kasama ang mga anak
- Masayang ibinahagi ni Jennica Garcia na nakalipat na sila ng kanyang dalawang anak sa mas malaking bahay noong Pebrero 15
- Pinili niya ang two-bedroom apartment na may hagdan dahil ito ang nagustuhan ng kanyang mga anak kaysa sa three-bedroom unit na kapareho lang ng presyo
- Ikinuwento niya na dati silang gumagamit ng second-hand na aircon ngunit napilitan silang gumamit ng electric fan upang makatipid sa kuryente
- Naging inspirasyon para sa kanya ang pagbili ng aircon at kutson bilang simbolo ng kanyang pagsisikap at paghilom mula sa isang bigong pag-ibig
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Masayang ibinahagi ng aktres na si Jennica Garcia na isa na namang pangarap ang kanyang natupad matapos silang makalipat ng kanyang dalawang anak sa isang mas malaking tirahan. Ayon sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, lumipat sila noong Pebrero 15 sa isang two-bedroom apartment na may hagdan, isang tampok na labis na ikinatuwa ng kanyang mga anak.

Source: Instagram
Ayon kay Jennica, pinagpilian niya ang kasalukuyang bahay at isang three-bedroom unit na may parehong halaga ng renta. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang mga anak, mas pinili niya ang may hagdan dahil nagustuhan nila ito.
Mula nang maging bahagi ng teleseryeng Dirty Linen ng ABS-CBN, sunod-sunod ang naging proyekto ni Jennica, na nagbigay-daan upang mapaganda ang kanilang pamumuhay. Matatandaang naging usap-usapan noon ang kanyang pagbabahagi tungkol sa pagbili niya ng aircon para sa kanyang mga anak, isang bagay na itinuturing niyang simbolo ng kaginhawaan sa kanilang buhay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa vlog ni Luis Manzano, ikinuwento ni Jennica na dati silang gumagamit ng second-hand na aircon, ngunit dahil sa kalumaan nito, madalas itong masira kaya napilitan silang gumamit na lamang ng electric fan upang makatipid sa kuryente. Sa kanilang pagtitipid, umabot na lang sa mas mababa sa P1,000 ang kanilang buwanang bayarin sa kuryente, kaya napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ito.
Ngunit nagbago ang kanyang pananaw nang maranasan niya ang kaginhawaan ng aircon sa lock-in taping ng Dirty Linen. Inamin niyang gabi-gabi siyang naiiyak sa pag-aalala sa kanyang mga anak, na naiwan sa bahay at kinakailangang tiisin ang init habang siya naman ay may maayos na pahinga.
Sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, naging malaking bahagi ito ng kanyang proseso ng paghilom mula sa isang bigong pag-ibig. Aniya, ang kakayahang maitaguyod ang kanyang pamilya nang mag-isa ay nagbigay sa kanya ng lakas at kumpiyansa sa sarili.
"Nung nakabili na kami ng kutson na makapal, doon ko naramdaman na nagsimula ang tunay kong healing. Kaya ko pala, kaya namin," pahayag ni Jennica.
Pinasalamatan din niya ang Diyos sa patuloy na biyayang dumarating sa kanilang pamilya, lalo na’t hindi mapaghangad ang kanyang dalawang anak.
Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.
Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.
Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh